PAMPANGA – Tigok ang isang ahente ng paputok nang barilin ng kaalitan na nakatiyempo sa kanya sa Bocaue, Bulacan, kamakalawa.
Dead-on-the-spot sanhi ng isang tama ng punglo ng kalibre .45 baril sa dibdib ang biktimang si Augusto Dawal, 52, tubong Bicol, ng Northville 5, barangay Batia, Bocaue,
Si Dawal ay nakaupo sa harap ng kanyang bahay nang barilin ng suspek na alyas Eddie na agad tumakas.
Sa imbestigasyon ng pulisya, matagal na umanong may away ang biktima at ang suspek.
(RAUL SUSCANO)