Tuesday , November 5 2024

Balahura ba talaga si Vice Ganda?

00 Bulabugin
MAHIGIT isang taon na ang nakararaan, nalagay sa isang matinding kontrobersiya si Vice Ganda (Jose Mari Viceral) nang gawin niyang katatawanan ang ‘RAPE’ sa kanyang Araneta dome show noong May 17, 2013.

Naging kontrobersiyal ang ‘RAPE JOKE’ ni Vice Ganda hindi lang dahil ginawa niyang katawa-tawa ang isang kilalang broadcast journalist (Jessica Soho) kundi ang kanya mismong insensitibong pananaw tungkol sa panggagahasa.

Sa kanyang pagpapatawa, ginamit ni Vice Ganda ang ‘RAPE’ na tila isang kahangad-hangad na senaryo para sa isang babae.

Isang intelihenteng tao si Vice Ganda kaya mahirap isipin na hindi ba niya naiintindihan ang kanyang mga sinasabi?!

Ngayon, heto na naman si Vice Ganda … sabihin ba naman na: “Hindi lahat ng nagpoprotesta totoong nag-aaklas. ‘Yung iba d’yan nabayaran lang at sinuhulan ng pambili ng bigas.”

Again, itatanong natin kay Vice Ganda, naiintindihan ba niya ang sinasabi niyang ito?!

Alam natin na madikit siya sa kapatid ni Pangulong Benigno Aquino III na si Kris Aquino …hindi lang basta madikit kundi sanggang-dikit talaga sila …kahit itanong pa ninyo kay James Yap at kay Kuya Boy Abunda.

Sa unang linya (hindi lahat ng nagpoprotesta totoong nag-aaklas …) ay talagang gusto niyang wasakin ang kredibilidad ng mga kababayan natin na nagsipag-rally doon sa Commonwealth Avenue laban sa State of the Nation Address (SONA) ni Noynoy at kontra sa mismong nag-deliver nito.

Sa ikalawang linya: (‘Yung iba d’yan nabayaran lang  at sinuhulan ng pambili ng bigas) — BOOM PANES!

O ‘di ba nag-boomerang agad sa kapatid ng kaibigan niya — merong sumasama sa rally na nauulanan, naaarawan, nagmamartsa nang napakalayo, nagugutom, nauuhaw, bobombahin ng tubig, babatutain ng pulis (kapag minamalas ‘e makukulong pa), aabutin nang dilim sa kalye at maaaring kulang pa ang pasahe pauwi — kapalit ng pambili ng bigas?

Kung totoo man (kung totoo ha) — na pumapayag ang mga raliyista para may maipambili lang ng bigas — s’yempre ang tanong BAKIT?!

Pumapayag sila na nauulanan, naaarawan, nagmamartsa nang napakalayo, nagugutom, nauuhaw, bobombahin ng tubig, babatutain ng pulis (kapag minamalas ‘e makukulong pa), aabutin nang dilim sa kalye at maaaring kulang pa ang pasahe pauwi — para lang sa pambili ng bigas? Ilang kilong bigas?

Anong LOGIC?!

At kung totoo nga na dahil sa pambili ng bigas — ano ang ibig sabihin?

Ibig sabihin, marami na ang nagugutom sa administrasyon ni PNOY, dahil walang hanapbuhay at walang maasahan sa gobyernong ninanakawan ng mga mambabatas at iba pang opisyal, kaya sumasama na lang sa rally ang mga tao para may maipambili ng bigas?!

Kasi nga walang trabaho, walang libreng aral, walang libreng ospital, walang makain sa administrasyon ni Noynoy!

Ibinulsa na ang PDAF ni Janet Lim Napoles at ng mga mambabats sa pangunguna nina Johnny Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada …

Diniskartehan pa ni Budget Secretary Butch Abad at PNoy mismo ang SAVINGS ng gobyerno na pinangalanan nilang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Unconstitutional na nga, sabi ng Supreme Court pero ipinipilit pa rin …Ay sus!

O ‘di ba sapol — sapol ang lolo mong PANOT, Vice Ganda!

Wala ka kasing kadala-dala … huwag ka nang makisali sa mga usaping politikal …mag-focus ka na lang sa Showbiz at magpatawa ka na lang baka maaliw pa ang sambayanang nagugutom.

D‘yan maililigtas mo sandali ang utol ng BFF mo, sa sandaling pagkaaliw ng mamamayan.

Pero take note … sandali lang ‘yun!

ALIAS DON KAR-LO (NO. 1 FIXER SA MANILA CITY HALL)

Kung may sikat na court fixer na si Ma’am Arlene e may City hall/MPD fixer na sikat na sikat ngayon sa katauhan ng isang alias DON KAR-LO.

Madalas i-namedrop ni alias Don Kar-lo na malakas siya kay MTPB chief Carter Logica at sa Office of the Vice Mayor (OVM).

Wala raw pwedeng kumastigo sa kanya dahil dehins naman siya empleyado ng city hall. Pero ang matindi, kinatatakutan daw ang kumag ng mga taga-MTPB, MTRO, MPD-TRAFFIC at ng EMPLEYADO ng city hall!

Madalas pa raw na makita na labas-masok si fixer Kar-lo sa OVM.

Kaya naman sunod-sunuran ang mga tauhan ng MTPB at mga city hall employees kay fixer Kar-lo.

By the way, Major Olive Sagaysay at Major Baldivas, totoo ba na tuwing nagpupunta (weekly meeting) kayo sa tanggapan ni MTPB Carter ‘e kasama rin sa meeting si Kar-lo?

Totoo rin ba na kayang magpapirma ng special permit ni fixer Kar-lo sa halagang 10k pataas!? Pati ‘yun mga NO ENTRY ROUTE para sa mga truck ay nailalagay sa PERMIT na PASSABLE at ALLOWED to all no entry street!?

Pero kapag ang truck operators ay hindi dumaan sa sindikato nina alias Kar-lo ay sobra ang pahirap na gagawin sa kanila bago makakuha ng permit.

Tama nga ang sabi ni Erap, ang laki ng ipinagbago ng Maynila…nasa city hall na ang sindikato ng fixer!

Korek ba SPO2 Ruel Robles!?

ARAB SHEIK ‘BINASTOS’ NG NAIA T-1 IMMIGRATION OFFICER!?

ISANG kasamahan sa airport media ang nanggagalaiti nitong nakaraang Wednesday dahil sa umano’y kagaspangan ng ugali ng Officer-On-Duty sa I-Card counter ng NAIA Terminal 1 Departure Area sa katauhan ng isang IO MONTALES.

Pakiramdam kasi ng newshen na si Vangie, butihing kabiyak ng yumaong Ding Villanueva old time colleague sa NAIA Media, ‘nabastos’ ang Arab Sheik na kanyang ini-request for assistance sa MIAA Public Affairs Office.

Nagtungo sa bansa ang Arab Sheik para sa isang business conference with his Filipino counterparts.

Kasama ng Arab Sheik ang PAO representative na umaalalay sa kanya pero mukhang wala talagang urbanidad ‘yung IO Montales …

Aba, mantakin ninyo sigawan ‘yung Arab Sheik na inaasistehan ng PAO representative?!

What the fact!?

Nang tanungin ni kasamang Vangie kung ano ang nangyari at biglang umigtad sa pila ang kanyang kaibigang Arabo, sinabi niya na… “I was asked to transfer in other line …” Allegedly the said IO delivered it in a rude manner.

Tsk tsk tsk!

Ang nangyari pala ay nagkamali ng turo ang PAO staff sa queuing na dapat na pinilahan ng departing foreign passenger. Imbes doon sa regular foreign passport counter ay pinapila siya sa I-Card Holder counter na kinaroroonan ni IO Montales.

So, ang nangyari, ipinagkibit-balikat na lamang ng kawawang Arab Sheik ang kanyang naging karanasan na ibinaon na lamang niya sa kanyang pag-alis. Pero masamang image ito para sa bansa at ‘di pwedeng sabihin na … “Its more fun in the Philippines.”

What a shame!

Ang alam ko ay pawang professionals at highly educated ang mga IO dahil sila ang nagsisilbing ‘frontliners’ sa mga dumarating na foreign visitors o bakasyonistang dayuhan na pumapasok sa bansa.

Hindi rin pala!

Comm. Fred Mison, mukhang hindi tumalab ang programa mo na I-CARE kay IO Montales!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Vilma Santos

Vilma ‘di pa kampanya pero naiikot na buong probinsiya sa relief operations

HATAWANni Ed de Leon HINDI naman disappointed ang mga Vilmanian kung hindi man sila nakipag-birthday party kasama …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Atasha Muhlach PMPC Star Awards for Music

Atasha nakasungkit 2 award sa PMPC 16th Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla WAGING-WAGI ang magandang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalesna si Atasha Muhlach sa katatapos na 16th Star …

Kris Lawrence PMPC Star Awards for Music

Kris Lawrence  pinasalamatan mga taong sumuporta sa 18 taon ng career

MATABILni John Fontanilla NAGBALIK-TANAW at pinasalamatan ng R&B Prince of Pop Kris Lawrence ang mga taong naging …

Tim Yap Carlos Yulo Chloe San Jose Donnie Pangilinan Hannah Pangilinan Pamela Rose

Tim Yap patok ang pa-Halloween party sa mga artista

I-FLEXni Jun Nardo ALL Saint’s Day ngayon araw. Nobyembre 1. Kaya naman naglabasan na naman …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *