ISANG kasamahan sa airport media ang nanggagalaiti nitong nakaraang Wednesday dahil sa umano’y kagaspangan ng ugali ng Officer-On-Duty sa I-Card counter ng NAIA Terminal 1 Departure Area sa katauhan ng isang IO MONTALES.
Pakiramdam kasi ng newshen na si Vangie, butihing kabiyak ng yumaong Ding Villanueva old time colleague sa NAIA Media, ‘nabastos’ ang Arab Sheik na kanyang ini-request for assistance sa MIAA Public Affairs Office.
Nagtungo sa bansa ang Arab Sheik para sa isang business conference with his Filipino counterparts.
Kasama ng Arab Sheik ang PAO representative na umaalalay sa kanya pero mukhang wala talagang urbanidad ‘yung IO Montales …
Aba, mantakin ninyo sigawan ‘yung Arab Sheik na inaasistehan ng PAO representative?!
What the fact!?
Nang tanungin ni kasamang Vangie kung ano ang nangyari at biglang umigtad sa pila ang kanyang kaibigang Arabo, sinabi niya na… “I was asked to transfer in other line …” Allegedly the said IO delivered it in a rude manner.
Tsk tsk tsk!
Ang nangyari pala ay nagkamali ng turo ang PAO staff sa queuing na dapat na pinilahan ng departing foreign passenger. Imbes doon sa regular foreign passport counter ay pinapila siya sa I-Card Holder counter na kinaroroonan ni IO Montales.
So, ang nangyari, ipinagkibit-balikat na lamang ng kawawang Arab Sheik ang kanyang naging karanasan na ibinaon na lamang niya sa kanyang pag-alis. Pero masamang image ito para sa bansa at ‘di pwedeng sabihin na … “Its more fun in the Philippines.”
What a shame!
Ang alam ko ay pawang professionals at highly educated ang mga IO dahil sila ang nagsisilbing ‘frontliners’ sa mga dumarating na foreign visitors o bakasyonistang dayuhan na pumapasok sa bansa.
Hindi rin pala!
Comm. Fred Mison, mukhang hindi tumalab ang programa mo na I-CARE kay IO Montales!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com