ISA sa mga nakaligtaan o sinadyang kaligtaan ‘ata ni Pangulong Benigno Aquino III ang Freedom Of Information (FOI) Bill sa kanyang State Of the Nation Address (SONA).
Wala ngang sinisi, inaway o sinermonan si PNOY pero wala rin siyang binanggit ni katiting tungkol sa FOI bill.
E ano pa nga ba ang inaasahan natin?!
Kahit kailan ay hindi natin kinakitaan ng ‘pagkiling’ sa FOI ang administrasyong ito.
Lumalabas na ginamit lang nila ito noong una para magoyo o marahuyo ang mga taga-media at ‘yung tinatawag niyang ‘Mga Boss’ n’ya …
Pero TSUBIBO lang pala ang lahat.
Ni sertipikahan na ‘URGENT’ ang FOI ay hindi ito ginawa ni Kuya NOYNOY, ‘yun pa kayang itulak sa KONGRESO para maaprubahan at maipasa bilang batas?!
Ang pinakahuling tsansa ng FOI ay gamitin nilang ‘DEODORANT’ para sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino.
S’yempre bakit nila ipapasa agad ang batas na sila ang tatamaan?!
Bahala nang tamaan ang susunod na administrasyon sa FOI Bill…
Hindi ba Secretray Herminio “Sonny” kolokoy este Coloma at Sec. Edwin Lamierda ‘este’ Lacierda?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com