Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalaga buntis sa panaginip

Hello Señor,

Mdlas po aku bumibli HATAW kya nisipn ku mgtxt, vkit kya aku nngnip na buntis dw aku wla nman aku asaw peo may bf po aku ngyon, tpos nkkita dn aku ng baby, plz ntrpret po wait ko i2 s hatw, dnt pblis my cp – Jebjeb of Makti … tnx!

To Jebjeb,

Kapag nanaginip na ikaw ay buntis, ito ay simbolo ng aspeto sa iyong sarili o ilang aspeto ng iyongpersonal na buhay na lumalago o nade-develop. Maaari rin na ito ay nagsasabi ng ukol sa birth of a new idea, direction, project, o goal. Alternatively, kung ikaw naman talaga ay naghahangad na mabuntis, ito ay maituturing na simbolo ng takot sa bagong responsibilidad. Sakaling ikaw naman ay talagang buntis at napanaginipan ito, nagpapakita ito ng iyong agam-agam ukol sa pagbubuntis mo. Ingatan ang iyong sarili dahil maaari rin naman na ikaw ay nasa isang relasyon ngayon na ang scenario na ito ay posibleng mangyari, kaya naging ganyan ang tema ng panaginip mo. Nagpapakita rin ito ng iyong agam-agam sa bagay na ito at sa relasyong pinasok.

Ang baby ay may kaugnayan sa innocence, warmth, at new beginnings. Ang sanggol ay sumisimbolo sa iyong sariling inner nature na pure, vulnerable, helpless and/or uncorrupted. Kaya maaari rin na ang panaginip na ganito ay isang babala sa posibleng kapahamakan mula sa taong gusto kang masaktan, maaaring sa paraang physical o financial. Kaya dapat na mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na ang mga hindi pa lubos na kilala talaga. Ito ay maaari ring may kinalaman sa pagkilala sa iyong hidden potential. Posible rin na ang iyong bungang tulog ukol sa baby ay nagpapa-alala na dapat mong pangalagaan ang child within yourself.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …