Tuesday , November 5 2024

Talagang nakaiiyak ang SONA ni PNoy

00 Bulabugin
HINDI ako si Noynoy at lalong hindi ako isa sa apat niyang kapatid na babae …

Pero parang naiyak din talaga ako sa kanyang State Of the Nation Address (SONA).

Naiyak ako dahil unang-una kahit punong-puno ng accomplishment at mabubuting bagay ang inihayag niya sa kanyang SONA ‘e marami ang nagsasabing hindi nila alam o naramdaman ang mga sinabi ni PNoy.

Kumbaga sa nauusong joke ngayon … “Napakahusay na Presidente ni Noynoy, ‘yung nga lang hindi mahalata ng sambayanan.”

Sabi nga ni katotong Ronniel De Guzman, si Noynoy ay parang ‘yung Emperor sa kwentong The Emperor’s New Clothes.

Nagpakontrata ang Emperor ng kosturera para magpagawa ng isang pambihirang damit na gagamitin niya sa isang espesyal na parada.

Ang sabi ng kosturera, “Pambihira ang gagawin kong damit sa inyo … ang makakikita lang nito ay ‘yung mga tapat sa inyo …at ang mga taksil ay walang makikitang ano man.”

Antimano ay humingi ng isang kwarto ang kosturera at humingi ng sinulid na yari sa ginto ganoon din ng iba’t ibang klaseng mamahaling hiyas na ipapalamuti umano niya sa damit ng Emperor.

Pero sa totoo lang alam ng kosturera na kalokohan lang ang sinasabi niya, ang lahat ng gintong sinulid at mamahaling hiyas ay aangkinin niyang lahat habang gagawa siya ng pambihirang damit sa imahinasyon.

Paglipas ng tatlong araw, ipinasuot ng kosturera ang damit sa Emperor.

Walang makitang ano man ang Emperor pero natakot siyang sabihin ito dahil ultimo ang sarili niya ay mabibistong nagtataksil sa kanyang tungkulin bilang Emperor na pinagkakatiwalaan ng sambayanan.

Maging sa hanay ng mga gulat na gulat na ministro ay walang makapagsabi na walang suot na damit ang hari maliban sa kanyang mga panloob dahil paparatangn silang taksil.

Parang si Budget Secretary Butch Abad lang ‘yan at ang Disbursement Acceleration Program (DAP) …

Ang sabi ni Butch Abad sa Pangulo, ang DAP ang pinakamabisang paraan para mabilis na mai-deliver ang naantalang serbisyo para sa mamamayan dahil  sa korupsiyon.

Ang sino mang pupuna rito ay maliwanag na ‘kaaway’ ni PNoy.

At naniwala riyan si PNoy.

Kaya nang ideklara ng Korte Suprema na ang DAP ay unconstitutional, hindi naniwala si PNoy at hinikayat pa niya ang mamamayan at ang umano’y kanyang mga supporter na magsuot ng ‘yellow ribbon.’

Sa The Emperor’s New Clothes, natakot ang malalapit na ministro na sabihin sa Emperor na niloloko lang siya ng kosturera dahil mapagbibintangan silang taksil.

Gaya ni Abad na diniktahan si PNoy na mabuti ang DAP pero sa katotohanan ay wala rin itong ipinag-iba sa PDAF na dinambong ni Janet Lim Napoles at ng iba pang mambabatas na pinangungunahan ng mga Senador na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada …

Sa The Emperor’s New Clothes, isang batang lalaki lamang ang nagkalakas ng loob para sabihin sa Emperor na nakahubo siya sa parada.

At natameme ang Emperor … sa simula’t simula, alam niyang nakahubo siya, pero naniwala siya sa kosturera na pambihirang damit ang suot niya …

Gaya ni PNoy na naniwala kay Abad na, mabuti at tama ang DAP … pero sa kaibuturan ng kanyang puso at isip, alam niyang mali at hindi wasto ang ginawa nilang paglulustay sa DAP.

Kung sino man ang ‘batang lalaki’ na magsa-sabi kay PNoy na dapat na siyang gumising sa katotohanan ‘e ‘yan ang aabangan natin …

Sa bahagi ng nag-iyakang Aquino siblings …hindi natin alam kung nabasa rin nila ‘yung The Emperor’s New Clothes … kaya siguro sila nag-iyakan.

At ‘yun ang pinakamasakit …’yung nagising sila sa KATOTOHANAN …

Nakaiiyak talaga ‘yun!

Huhuhu …

SULPICIO LINES COUNSEL NAGING COMELEC COMMISSIONER?!

NAKANENERBIYOS ang pagpasok ng isang corporate lawyer na gaya ni Atty. Arthur Lim sa Commission on Elections (Comelec).

Si Atty. Lim ay ipinalit ni Chairman Sixtong este Sixto Brillanters kay dating election commissioner Grace Padaca.

Wala naman kaso kung talagang deserving si Atty. Lim.

Ang siste, hindi ba’t si Atty. Lim ang aboagdo ng Sulpicio Lines?!

Siya ‘yung abogado na sumikat at lumutang sa kaso ng lumubog na Sulpicio lines …

Pero ang isa sa mga ikinasikat niya, ‘yung nabalewala lahat ang pagsisikap ng mga kaanak ng mga biktimang pasahero dahil hindi sila nabayaran.

Gugustuhin n’yo pa bang iupo sa Comelec ang isang katulad ni Atty. Lim na walang malasakit sa maliliit nating kababayan?!

Bayan kayo ang maghusga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Vilma Santos

Vilma ‘di pa kampanya pero naiikot na buong probinsiya sa relief operations

HATAWANni Ed de Leon HINDI naman disappointed ang mga Vilmanian kung hindi man sila nakipag-birthday party kasama …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Atasha Muhlach PMPC Star Awards for Music

Atasha nakasungkit 2 award sa PMPC 16th Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla WAGING-WAGI ang magandang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalesna si Atasha Muhlach sa katatapos na 16th Star …

Kris Lawrence PMPC Star Awards for Music

Kris Lawrence  pinasalamatan mga taong sumuporta sa 18 taon ng career

MATABILni John Fontanilla NAGBALIK-TANAW at pinasalamatan ng R&B Prince of Pop Kris Lawrence ang mga taong naging …

Tim Yap Carlos Yulo Chloe San Jose Donnie Pangilinan Hannah Pangilinan Pamela Rose

Tim Yap patok ang pa-Halloween party sa mga artista

I-FLEXni Jun Nardo ALL Saint’s Day ngayon araw. Nobyembre 1. Kaya naman naglabasan na naman …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *