HINIHINALANG biktima ng salvage ang bangkay ng isang hindi nakilalang lalaking natagpuang
nakasilid sa drum sa isang eskinita sa Malabon City kahapon ng madaling araw.
Ang biktima ay tinatayang nasa 35 hanggang 40- anyos, may taas na 5’4, may tattoo sa
magkabilang braso ng dragon at “Tony Adriano” sa likod.
Batay sa ulat ni PO3 Jun Belbes, dakong 4:30 a.m. nang matagpuan ang bangkay sa madilim
na bahagi ng Mabolo St., Brgy. Maysilo ng nasabing lungsod.
Isang ginang na papunta ng palengke ang nakakita sa isang asul na drum at nang tingnan ay
nakita ang bangkay ng biktima kaya agad ini-report sa Police Community Precint (PCP-1).
Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang biktima ay may isang tama
ng bala ng kalibre .45 sa leeg na tumagos sa kanang pisngi.
(ROMMEL SALES)