Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puwet ni Rocco, gustong-gusto ni Lovi

071414 rocco lovi
ni Roldan Castro

APRIL 16 ang petsa na opisyal na mag-on sina Lovi Poe at Rocco Nacino na nangyari sa  Eiffel Tower sa Paris, France.

Nagbiro pa nga si Rocco at inasar si Lovi na may plan B siya na itulak  pababa ng Eiffel Tower kapag nag-No siya. Aminado rin siya na kinabahan na baka no ang isagot ni Lovi sa kanya.

Ano ang naramdaman niya nang aminin ni Lovi ang tungkol sa kanilang relasyon?

“Of course very happy!” tugon niya sa presscon ng Hustisya ng  Cinemalaya X na pinangungunahan ni Nora Aunor.

“Aaminin ko kinilig ako. Sa babae na nanggaling ‘yun, kay Lovi pa nanggaling so ano, I had butterflies in my stomach. Natuwa ako. And ayun, kinonfirm ko na, na kami na talaga,”deklara pa niya.

Binawalan na ba niyang magpa-sexy si Lovi dahil girlfriend na niya ito?

“No, wala. It’s how GMA is grooming her na rin, na ano, iyon din ‘yung image niya ngayon, eh. Not too sexy na rin, tapos na siya sa sexy, eh. Medyo iba na ‘yung image niya. So, alam na niya ‘yung mga kailangang gawin, mas matagal siya sa business kaysa akin so she understands this more than me. Kaya hindi ko na siya kailangang pagsabihan sa ano, and very understanding kami parehas, very supportive sa isa’t isa, “ sambit pa niya.

Ibinulgar din ni Rocco na ‘puwet’ niya ang nagugustuhan ni Lovi.

“Kasi lagi niya akong inaasar sa puwet ko, na malaki. Sinisipa niya! Pinapalo niya lagi, pinapalo niya, sabi niya ma-puwet daw akong lalaki. JLo daw ako, JLo,”  sey pa niya sabay tawa.

Anyway, after Hustisya, mapapanood din si Rocco sa pelikulang Ibong Adarna na ang premiere night ay sa September 29 sa SM Megamall, Cinema 9 handog ng National Press Club sa pamununo ni Pangulong Joel  Egco. Kasama niya sa pelikula sina Joel Torre, Angel Aquino, Benjie Paras, Leo Martinez, Lilia Cuntapay, Ronnie Lazaro. Ito’y sa direksiyon ni Jun Urbano under Gurion Entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …