Sexy Leslie,
Magda-dalawang buwan na pong hindi nagkakaroon ang GF ko at nangangamba akong baka buntis siya. May gamot ba para hindi ito matuloy? 09183907983
Sa iyo 09183907983,
‘Yan na nga ang sinasabi ko, gagawa-gawa kayo ng milagro tapos hindi naman kayang panindigan. Alam mo iho, kung nga buntis ang iyong GF, wala akong maipapayo sa iyo kundi ang magkaroon ka ng lakas ng loob na harapin ang perhuwisyong dulot mo sa kanya. Ngayon kung hindi mo kaya, mainam kung takbuhan mo na lang kaysa kitlin ang buhay na nasa kanyang sinapupunan.
Sexy Leslie,
Bakit may mga lalaki na sobrang mahina sa sex? Dapat bang lumayo ako sa kanya? 0919-4504135
Sa iyo 0919-4504135,
Kung malaking bagay ba sa iyo ang sex e, bakit hindi? Hindi ka rin naman siguro sasaya sa piling niya kung ang pagtatalik n’yo ang gagawing batayan sa ikatatagumpay ng inyong relasyon. Regarding sa lalaking mahina sa sex, normal na problema yan ng karamihan sa lalaki, mainam siguro kung samahan mo siyang regular na mag-ehersisyo, kumain ng masusustansiya at pagpahingahin naman siya sa tamang oras.