‘YAN ang nabisto ng ating very reliable source … ang talamak at lantarang bentahan at bilihan ng mga GSM (galing sa magnanakaw) na cellphone sa Tutuban Mall sa Divisoria, Maynila.
Kamakailan, isang kaibigan ng ating BULABOG boy, ang nabiktima ng mandurukot habang naglalakad sa kahabaan ng C.M. Recto.
Swerte lang at mula sa A.O.R. ng MEISIC Police Station-11 tumawid sa A.O.R. ng MPD PS-2 ang tirador na mandurukot.
Mabuti na lang at alisto ang mga operatiba ng PS-2-DAGUPAN PCP na nagpapatrolya sa nasabing lugar kaya nadakip ang suspek.
Positibong kinilala ng biktima ang suspek na menor de edad at ikinanta ang pwesto/stall sa itaas ng Tutuban Mall na kanyang binabagsakan ng mga nakaw na CP at iba pang gadgets.
Pero matapang at nanindak pa ang stall owner at mga katabing tindahan kahit may kasamang pulis ang biktima at suspek.
Nakita rin sa CCTV footage ng Tutuban Mall ang transaksyon ng suspek at stall owner na si alyas NOOR HACHING P., na mariing itinatanggi na siya ang bumili ng “GSM” na CP.
Mabuti na lang at marunong ang pulis ng MPD PS2 na nakipag-ugnayan sa pamunuan ng Tutuban Mall para kausapin ang stall owner na ibalik sa may-ari ang biniling “GSM” Cellphone.
‘Yan ay base sa Anti-Fencing Law na labag sa batas ang magbenta o bumili ng nakaw na gamit.
Ano kaya ang gagawin aksyon ng Tutuban Mall admin makaraang mabunyag ang talamak na bentahan/bilihan ng nakaw o GSM sa kanilang mall!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com