Sunday , November 3 2024

‘Spoiled’ na alyado ni Erap ang dahilan ng pagsibak kay ret. Justice Artemio Tuquero sa PLM

00 Bulabugin
ARGUMENTO ngayon sa korte ang paglaglag ‘este’ pagsibak ni Erap kay retired Justice Artemio G. Tuquero bilang University President ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

S’yempre trabaho na ng mga eksperto sa batas ‘yang pag-aargumento kung matuwid at kung naaayon ba sa umiiral na praktis at batas ang ginawang pagsibak ni Erap.

Kung pagbabatayan ang umiiral na praktis alinsunod sa regulasyon ng PLM ang pagsibak kay Tuquero ay tahasang pambabastos sa Board of Regents.

Sinibak daw si Tuquero base sa resolusyon ng Board noong Hulyo 2, 2014 na inire-recall at iniwi-withdraw ang election sa dating Justice Secretary bilang University President ng PLM.

Marami ang naniniwala na labag sa umiiral na regulasyon ang nasabing pagsibak kay Tuquero dahil ang sinasabing pulong ng Board of Regents ay hindi naipatawag/naihayag nang wasto para siguruhin ang pagdalo ng bawat Board kaya walang quorum.

Sa madaling sabi, mukhang mayroong pagmamaniobra na naganap sa pagsibak kay Tuquero.

Pero ayon sa umiikot na kwentohan sa Manila City Hall, ang tunay na rason ng pagsibak kay Tuquero ay nang hindi siya pumabor na maging OPISYAL ng PLM ang anak ng isang SPOILED na KAALYADO (ex-pulis) ni Erap.

Napag-alaman din natin na ang ‘SPOILED’ na alyado ni Erap ang dahilan din ng pagkasira ng relasyon nila ng isang dating matalik na kaibigan.

Mukhang malagkit pa sa galapong ang pinagsamahan ni Erap at ng kanyang ‘spoiled’ na alyado dahil kaya n’yang ipagpalit ang pagkakaibigan.

Si retired Justice Tuquero ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC). At hindi maipagkakaila na ilang beses sinuportahan ng INC si Erap.

Dahil rin kaya sa kanyang ‘SPOILED’ na alyado kay

parang nagiging ingrato na si Erap?!

Dapat na sigurong isipin ni Erap kung ang kanyang

‘spoiled’ na alyado ay nakatutulong ba talaga sa kanya o ibinubulid lang siya sa pakikipagkasira sa mga tunay na kaibigan.

Ano sa palagay ninyo, mga suki?!

TUTUBAN MALL BAGSAKAN/BENTAHAN NG G.S.M PHONES!

‘YAN ang nabisto ng ating very reliable source … ang talamak at lantarang bentahan at bilihan ng mga GSM (galing sa magnanakaw) na cellphone sa Tutuban Mall sa Divisoria, Maynila.

Kamakailan, isang kaibigan ng ating BULABOG boy, ang nabiktima ng mandurukot habang naglalakad sa kahabaan ng C.M. Recto.

Swerte lang at mula sa A.O.R. ng MEISIC Police Station-11 tumawid sa A.O.R. ng MPD PS-2 ang tirador na mandurukot.

Mabuti na lang at alisto ang mga operatiba ng PS-2-DAGUPAN PCP na nagpapatrolya sa nasabing lugar kaya nadakip ang suspek.

Positibong kinilala ng biktima ang suspek na menor de edad at ikinanta ang pwesto/stall sa itaas ng Tutuban Mall na kanyang binabagsakan ng mga nakaw na CP at iba pang gadgets.

Pero matapang at nanindak pa ang stall owner at mga katabing tindahan kahit may kasamang pulis ang biktima at suspek.

Nakita rin sa CCTV footage ng Tutuban Mall ang transaksyon ng suspek at stall owner na si alyas NOOR HACHING P., na mariing itinatanggi na siya ang bumili ng “GSM” na CP.

Mabuti na lang at marunong ang pulis ng MPD PS2 na nakipag-ugnayan sa pamunuan ng Tutuban Mall para kausapin ang stall owner na ibalik sa may-ari ang biniling “GSM” Cellphone.

‘Yan ay base sa Anti-Fencing Law na labag sa batas ang magbenta o bumili ng nakaw na gamit.

Ano kaya ang gagawin aksyon ng Tutuban Mall admin makaraang mabunyag ang talamak na bentahan/bilihan ng nakaw o GSM sa kanilang mall!?

PERYA-GALAN SA AOR NG PNP REGION 3

Sa mga bayan ng San Fernando at Magalang sa Pampanga, largado ang perya-galan nina “Nardong Putik” at Jun Lim.

Sa bayan naman ng Castillejos sa lalawigan ng Zambales, hataw rin si OBET PILAY sa carnival de peryahan na may mesa ng sugal na color games, pula’t puti at drop balls.

Sa Limay, Bataan, crooked gambling na pergalan din ang inilatag ng financier na si Edison.

Lahat ito ay sa AOR ng PNP-Region 3.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *