Sunday , December 22 2024

Mayor Erap at Gen. Asuncion dapat humarap sa salamin

NAKAHIHIYANG isipin na sa kabila ng kaunlaran ng pinakamatandang lungsod sa Metro Manila ay nalulusutan pa rin ang pamahalaang lokal ng pinakamatandang raket sa mismong teritoryo nito.

Bagamat dapat magsilbing huwaran ang Maynila, bilang pangunahing lungsod sa bansa, sa mga kalapit na siyudad at munisipalidad, sinabi ng aking mga espiya na isa pa nga ito sa tatlong pangunahing teritoryo ng mga bigtime ilegalista sa National Capital Region.

Dapat sigurong humarap sa salamin sina President-Mayor Joseph Estrada at Chief Superintendent Rolando Asuncion, Manila Police District (MPD) director, at tanungin ang kanilang sarili kung ang kanila bang nakikita ay replek-siyon ng isang tigasing alkalde at pulisya.

Para hindi naman sila maging biased sa kanilang magiging sagot, mas mainam sigurong ihilera na rin ang repleksiyon ng mukha ni “Boy Abang.”

Isang sibilyan, kontrolado ni Boy Abang ang mga pa-bookies ng karera ng kabayo at pa-lotteng (kombinasyon ng lotto at jueteng) sa Tondo, Maynila, at kumikita ng milyon-milyon kada linggo.

Bagamat ang inaanak niya sa kasal na si Lorna ang nangangasiwa sa buong operasyon, ang kanyang bagman, isang “Philip,” ang bahalang tumiyak na maayos ang takbo at hindi pakikialaman ng pulisya ang negosyo.

Idagdag pa sa nakahugis na imahe ang mukha ng isang pulis na may pangalang “Ver Navarro” na pumalit kay “Pasia.” Si Pasia naman ang nagmana ng negosyo mula sa yumaong pulis na si “Tom Pulis” na ang pangalan ay katumbas na ng horse-race bookies, lotteng at jai-alai sa Beata, Pandacan (ang kanyang teritoryo). Tanging ang ilegal na bookies ang tinututukan ni Ver Navarro.

Kailangan na sigurong lumipat nina Mayor Estrada at General Asuncion sa mas malaki o gahiganteng salamin upang magkasya silang lahat sa frame: si Obet Ignacio, alyas “Billy,” sina “Edna” at “Enteng.”

Ayon sa balita, nagkukumpulan ang mga puwesto nila sa eskinita ng Vargas, bukod pa sa ibang puwesto sa Kamaynilaan.

Doblehin pa natin ang sukat ng higanteng salamin at sipatin ang nadagdag na si “Paknoy,” isang police sergeant na napaulat na nakatalaga sa National Capital Regional Police Office.

Protektado ni Sgt. Paknoy ang mga kapwa niya bookies na nag-o-operate sa ilalim ng kanyang pangalan basta wala silang palya sa pagbibigay ng padulas sa mga corrupt na awtoridad.

Isiksik na rin natin sa frame ang mga silhouette operator na sina Jeff at Anna sa Sampaloc, si Perry sa Pandacan, si Rowena sa 5th District ng Maynila, at si Deborah, na nanga-ngasiwa sa negosyo ng beteranong gambling operator na si Apeng Sy sa Binondo, at sa iba pang lugar sa ikatlong distrito ng lungsod. Huwag din natin kalimutan isama ang imahe ng mga magbubukis na sina Zaldy Marquez at Pandete.

‘Wag din siyempreng kalimutang bigyan ng espasyo ang lotteng operator na si “Jun Moriones” na nangangasiwa rin ng mga lotteng joint sa lungsod.

Hindi rin dapat maitsapuwera sina Gina at Romy Gutierrez, ang dalawang natitirang haligi ng video-karera sa Maynila na tuloy-tuloy sa pamamayagpag sa nakalipas na mga taon.

Sa pagsisiksikan ng mga kolokoy sa harap ng salamin kasama sina Mayor Estrada at Gene-ral Asuncion, may makikita kayang magandang imahe para sa MPD at sa City Hall?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *