TINAMBANGAN at napatay ng riding-in tandem ang isang trike driver habang namamasada sa Sariaya, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Cresencio Ilagan Salivia, 45, ng Barangay Mamala 1, sa nasabing bayan.
Sa report ng Quezon Police Provincial Office, dakong 10:50 p.m. nang sundan ng mga suspek ang biktima, pagdating sa Barangay Bignay 2, pinaputukan ng dalawang beses na naging dahilan ng agarang kamatayan.
Nang makompirmang patay na ang biktima ay tumakas ang mga suspek patungong Barangay Bantilan.
Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang motibo ng krimen at maaresto ang mga salarin. (Beth Julian)