HAWAK ng Police Regional Cordillera (PROCOR) sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet ang sumukong mataas na opisyal ng rebeldeng New People’s Army (NPA).
Si Jerome “Ka Ricky” Lindao, 22, ng Barangay Pieza, Lamut, Ifugao, nagsisilbing logistics officer ng NPA ay sumuko sa mga awtoridad.
Kabilang sa makukuha niyang benepisyo sa pagsuko ang financial at livelihood assistance na bahagi ng programa ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process para sa mga rebel returnees.
Si Lindao ay nagsilbi rin umanong logistics officer sa Team 2, Squad dos ng Samahang Partido Propaganda (SPP) ng NPA. (Beth Julian)