Friday , December 27 2024

Napoles ipinatapon sa Bicutan

TAPOS na ang maliligayang araw ng pagpapasarap ng damuhong tinaguriang “pork scam queen” na si Janet Napoles sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.

Ikinatuwa ng marami ang utos ng Sandiganbayan noong Biyernes na ilipat si Napoles sa   female dormitory ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig. Doon niya makakahalubilo ang mga hinayupak na pusakal na tulad niya. Makakasama rin niya sa Bicutan ang kaibigan at kapwa akusadong si Gigi Reyes, na dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile.

Sa totoo lang, isa si Napoles sa mga kinamumuhian ng marami dahil sa VIP treatment na tinatamasa niya mula nang makulong sa Fort Sto. Domingo noong Setyembre, bunga ng kasong “serious illegal detention” na isinampa ng dati niyang empleyadong si Benhur Luy.

Tama lang ang punto ng korte na dapat makulong si Napoles sa Camp Bagong Diwa na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Mantakin ninyong ang Fort Sto. Domingo ay training facility ng Philippine National Police – Special Action Force.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi ito kulungan at hindi nasasakop ng BJMP.

Gano’n pa man ay nagawa ni Napoles, isang hinayupak na arestado sa kasong serious illegal detention na walang piyansa at nitong huli ay kinasuhan ng plunder sa Sandiganbayan, na magpasarap sa buhay sa loob ng isang silid at hindi magdusa na tulad ng ibang ikinukulong.

Kung si Gigi Reyes ay naipakulong ng Sandiganbayan sa Bicutan, walang dahilan para hindi nila ito magawa kay Napoles, na tulad ni Reyes ay nahaharap sa kasong plunder.

Ang hinihintay ng marami, mga mare at pare ko, ay ipag-utos ng Sandiganbayan na ikulong din sa Camp Bagong Diwa ang tatlong damuhong pork scam senators na sina Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla para matikman din nila ang buhay ng pangkaraniwang preso at hindi magpasasa sa special treatment na kanilang tinatanggap habang umaandar ang kaso.

Pakinggan!

***

INIUTOS na ng Sandiganbayan noong Biyernes ang 90-araw suspensiyon ni Sen. Juan Ponce-Enrile dahil sa pagkakasabit niya sa P10-bilyon pork barrel scam.

Ganu’n pa man, tulad ng pagkakasuspinde kay Sen. Jinggoy Estrada ay binibigyan din si Enrile ng pagkakataon na magsumite ng motion for reconsideration ukol dito.

Si Enrile ay kinasuhan ng plunder at graft dahil nagkamal daw ng P172-milyon kickback mula sa pork barrel na ipinadaan sa pekeng non-government organizations ni Napoles.

Ang pinagbatayan ng prosekusyon sa kanilang mosyon sa Sandiganbayan na masuspinde si Enrile ay ang Section 5 ng Plunder Law, na nagsasaad na ang mga public officer na kinasuhan ng plunder ay masususpinde sa puwesto.

At kapag na-convict sa pinal na desisyon ay   mawawala ang lahat ng kanyang “retirement or gratuity benefits” sa ilalim ng batas.

Kung hindi isususpinde si Enrile, mga mare at pare ko, may posibilidad na magamit niya ang pagiging senador para maimpluwensyahan ang mga testigo at ebidensya sa kaso.

Tandaan!

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong.

Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *