KINOMPIRMA ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na itinalaga bilang panibagong commissioner ng Komisyon si Atty. Arthur Lim.
Magugunitang si Lim ay naging private prosecutor sa impeachment trial laban kay dating Chief Justice Renato Corona.
Ayon kay Brillanes, pinalitan ni Lim si Commissioner Grace Padaca na hindi na muling itinalaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nang mag-expired ang interim appointment noong Hunyo 11.
Dahi dito, si Lim na ang tatapos sa termino ni Padaca hanggang Pebrero 2, 2018.
Si Lim ay dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines.