PISAK ang katawan ng isang lalaking nabagsakan ng natumbang poste ng koryente dahil sa lakas ng hangin sa Sinawal, General Santos City, iniulat kahapon.
Nangako ang South Cotabato Electric Cooperative (SOCOTECO) 2 na makatatanggap ng tulong ang biktimang si Jimmy Tagawayan, 43, ng Kinam, Malapatan, Sarangani.
Nitong Biyernes ng gabi, malakas na hangin ang sinisi sa pagkatumba ng poste na dumagan sa biktima habang naglalakad.
Ang SOCOTECO 2 ang gagastos sa pagpapalibing sa biktima kahit hindi miyembro ng kooperatiba dahil ang poste ng koryente ang dahilan ng kanyang kamatayan.