Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sisihan blues between importers, D0F

HABANG nalalapit ang July 31, 2014 na deadline ng pagtanggap at pag-apruba ng applications para sa accreditation permit ng mga importer maging ng customs broker, isinisisi nila sa gobyerno ang pagkahuli nila sa nasabing deadine.

Sa kabilang banda naman, isinisisi rin ng BIR at B0C ang pagkukumahog ng mga importer at broker na i-meet ang deadline dahil sa dami ng mga requirement (BIR 13 requirements, at sa B0C, 11 requirements) na pagkahirp-hirap bunuin.

Alam naman daw natin kung magtrabaho ang B0C and BIR employees. Mababagal at iyong red tape o iyong pagkakaantala hindi na mawala sa kanila. Sagot naman ng BIR at B0C dito, mga negosante ang dapat sisihin dahil sila ang maysakit na Mañana habit. Iyong magagawa ngayon ipagpapabukas pa.

Isa sa mga requirement na idinadaing ng mga trader, ang pagkuha ng Certificate of Good Standing mula sa SEC na tumatagal daw mula isa hangghang anim na buwan. Agawan daw sa SEC sa pagkuha ng Certificate of Good Standing na kung wala ang isang importer or broker hindi bibigyan ng accreditation permit sa B0C.

Pangalawang pintas nila, mula sa processing at kakulangan ng mga personnel sa maliit na office sa customs, itong Account Management Office (AMO) bukod sa pagiging manual ang processing.

Sa ganitong situation napipilitaan ang broker or trader na kumapit sa patalim. Mapipilitang maglagay sa mga employee upang mauna at umabot sa deadline.

Sang-ayon sa full page ad ng D0F-BIR-B0C, mula tatlo hanggang apat lang  na trader at broker ang nag-apply ng certificate of clearance sa BIR. Isa naman bawat dalawa na ang nag-apply ng certificate mula sa BIR ang nag-apply sa B0C sa pag-approve ng kanilang accreditation permit.

Mahigpit na mahigpit ang babala ng BIR at ng B0C — walang extension. Pag walang permit, walang importation. Kaya humihingi ng apela ang mga affected traders and brokers na sana ay bigyan pa sila ng extension.

Kanilang pinangangambahan na libo-libong employees/workers nila ang mawawalan ng trabaho kapag sila ang napuwersang magsarado ng kanilang opisina. Pwede rin i-retain ang ilan sa kanila pero kakaunti lang.

Ito ang battlecry ng D0F-BIR-B0C  ”Let’s keep legitimate traders in, out with smugglers.”

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arnold Atadero

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …