Sunday , November 17 2024

Prohibisyon ng P.D. 1602 kapos kontra online gambling

00 Bulabugin
“ …there is no crime when there is no law penalizing it.”

Ito ang Court of Appeals (CA) ruling na inilabas noong Enero 2012 kaugnay ng kasong isinampa laban sa online casino sa Clark Special Economic Zone na sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) noong 2006.

Ang mga dayuhan at lokal na opisyal ng nasabing online casino ay inasunto ng Department of Justice (DoJ) dahil sa umano’y “illegal online gambling operation” noong 2009.

Pero pagkatapos ng dalawang taon, sinabi ng CA na ang DoJ ay umabuso sa kanilang diskresyon dahil sa ilalim ng Presidential Decree (PD) 1602 ay hindi nasasaad na ang online gambling ay ilegal.

‘Yan ang isa sa mga problema ngayon ng law enforcement units sa bansa lalo kung mga dayuhan ang nasasangkot.

Karamihan kasi ng mga nagmamantina ng illegal online casino sa bansa, mga dayuhan na karamihan ay Koreans at Chinese.

Gaya ng nangyari sa Angeles City. Apat na Koreans ang dinakip ng mga operatiba ng pulisya sa isang subdibisyon sa Barangay San Jose.

Mismong si Angeles City Mayor Edgar Pamintuan ay naroon nang isagawa ang raid sa Villa Angelina Subdivision.

Ani Mayor Pamintuan, bukod sa illegal online gambling ay maaari rin sampahan ng kasong human trafficking dahil sa paggamit ng mga local na kababaihan sa kanilang operasyon.

Kinilala ang mga naarestong Koreano na sina Lee Kyun Boo, Cho Rae Man, 41; Son Kwang Hyun, 32; Kim Jong Hoob, 33; at An Tae Young, 34.

Nakompiska bilang ebidensiya ang walong desktop computers, passbooks, automated teller machine cards at credit cards.

Nasampahan na ng kaso sa korte ang limang Koreano pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nahahatulan at posibleng maabswelto pa ang illegal online gambling dahil wala ngang kaukulang prohibisyon ukol dito sa Presidential Decree (PD) 1602.

Marami na umanong amyenda ang ginawa sa PD 1602 pero hindi naisasama o walang amyendang kaparusahan para sa illegal online gambling.

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin.

Ano ba talaga ang papel ng Games and Amusements Board (GAB)?!

Hindi ba’t isa sa trabaho nila ‘yan?!

Sa GAB dapat nagmumula ang lobbying o mungkahi para sa Kamara de Representantes at sa Senado kaugnay ng mga amyenda sa PD 1602 partikular sa online gambling.

O GAB, magtrabaho naman kayo!!!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *