Monday , December 23 2024

Prohibisyon ng P.D. 1602 kapos kontra online gambling

00 Bulabugin
“ …there is no crime when there is no law penalizing it.”

Ito ang Court of Appeals (CA) ruling na inilabas noong Enero 2012 kaugnay ng kasong isinampa laban sa online casino sa Clark Special Economic Zone na sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) noong 2006.

Ang mga dayuhan at lokal na opisyal ng nasabing online casino ay inasunto ng Department of Justice (DoJ) dahil sa umano’y “illegal online gambling operation” noong 2009.

Pero pagkatapos ng dalawang taon, sinabi ng CA na ang DoJ ay umabuso sa kanilang diskresyon dahil sa ilalim ng Presidential Decree (PD) 1602 ay hindi nasasaad na ang online gambling ay ilegal.

‘Yan ang isa sa mga problema ngayon ng law enforcement units sa bansa lalo kung mga dayuhan ang nasasangkot.

Karamihan kasi ng mga nagmamantina ng illegal online casino sa bansa, mga dayuhan na karamihan ay Koreans at Chinese.

Gaya ng nangyari sa Angeles City. Apat na Koreans ang dinakip ng mga operatiba ng pulisya sa isang subdibisyon sa Barangay San Jose.

Mismong si Angeles City Mayor Edgar Pamintuan ay naroon nang isagawa ang raid sa Villa Angelina Subdivision.

Ani Mayor Pamintuan, bukod sa illegal online gambling ay maaari rin sampahan ng kasong human trafficking dahil sa paggamit ng mga local na kababaihan sa kanilang operasyon.

Kinilala ang mga naarestong Koreano na sina Lee Kyun Boo, Cho Rae Man, 41; Son Kwang Hyun, 32; Kim Jong Hoob, 33; at An Tae Young, 34.

Nakompiska bilang ebidensiya ang walong desktop computers, passbooks, automated teller machine cards at credit cards.

Nasampahan na ng kaso sa korte ang limang Koreano pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nahahatulan at posibleng maabswelto pa ang illegal online gambling dahil wala ngang kaukulang prohibisyon ukol dito sa Presidential Decree (PD) 1602.

Marami na umanong amyenda ang ginawa sa PD 1602 pero hindi naisasama o walang amyendang kaparusahan para sa illegal online gambling.

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin.

Ano ba talaga ang papel ng Games and Amusements Board (GAB)?!

Hindi ba’t isa sa trabaho nila ‘yan?!

Sa GAB dapat nagmumula ang lobbying o mungkahi para sa Kamara de Representantes at sa Senado kaugnay ng mga amyenda sa PD 1602 partikular sa online gambling.

O GAB, magtrabaho naman kayo!!!

SECURITY AND FACILITY MEASURES SA NAIA T4 MAY DIPERENSIYA

Malaking tulong din ang NAIA Terminal 4 sa mga traveler at turista dahil sa kanilang budget airline na AirAsia Zest air.

May dalawang bagay lang tayong nais punahin sa pamamalakad sa NAIA Terminal 4 kaugnay ng security and facility measures:

Una – dumami ang pasahero pero hindi nagdagdag ng facilities like food stalls sa NAIA Terminal 4.

Sa domestic flights ay meron at sapat ang food stalls.

Ang madalas na inirereklamo kasi ng mga pasahero ay ‘yung sa international flights.

Kailangan pa ba nilang lumabas sa airport kung gusto nilang kumain habang hinihintay ang kanilang flight?

Papayagan ba naman silang lumabas para kumain after ma-clear na sila sa Immigration?

Hindi man lang ba ito naisip ng Terminal 4 management?

Suggestion lang po — more food stalls sa NAIA terminal 4.

Ikalawa — halos magkadikit ang boarding gate ng local at international flights sa Terminal 4.

Batay sa ilang obserbasyon na nakaabot sa inyong lingkod, dahil walang demarcation lines o permanenteng harang sa boarding gates ng international at domestic flights ay baka magamit ito sa escort service o human trafficking.

Kung magagawi nga raw kayo sa NAIA terminal 4, makikita ninyo parang nasa kalsada… may tumatawid at hindi na ma-distinguish kung sino ang pasahero o empleyado.

Kamote rin kasi ang guwardiya na nagbabantay sa area na ito. Kung sino-sino ang pinapayagan na tumawid sa area na ‘yan.

At tingin natin, ‘e iyan ‘yung sitwasyon na nakapapabor sa mga mahilig mag-escort sa international flights.

Tama ba ako DJ?

NAIA Terminal 4 management klarong-klaro po ang ipinupunto natin.

Aksyon na lang po ninyo ang kulang.

TOBY MAK ITINUTURO SA RAKET SA BI ANGELES AT FONTANA!?
(Visa Extension Made Easy)

BUMABAHA ang impormasyon na ipinaaabot sa inyong lingkod mula nang ilabas natin ang raket na VISA EXTENSION MADE EASY sa Bureau of Immigration (BI)-ANGELES CLARK at FONTANA.

Sa huling INFO, inginunguso ang isang TOBY MAK na dating Hong Kong police ang umano’y ‘pagador’ ng pera para sa ilang tulisan ng Immigration-Angeles.

Malaya rin umanong nakapagdadala ng baril si Toby Mak sa bisinidad ng Fontana.

Sikat na sikat si alyas Toby Mak bilang katiwala daw ni Albert Corres, ang hubby ni BI-Angeles Alien Control Officer Janice Corres.

Kaya bukod sa mag-asawang Corres na ang amo ng lalaki ay si CEO Jack Lam ng Fontana, naidagdag sa INFO si Toby Mak.

Nakikiusap ang isang impormante na kombinsihin umano ng inyong lingkod si SoJ Leila de Lima at Immigration Commissioner Siegfred Mison na umaksiyon laban dito at imbestigahan si ACO Janice Corres dahil masyado nang nasasalaula ang Bureau sa raket na namamayagpag sa kanyang area of responsibility (AOR).

Maliwanag nga raw na inabuso at tinarantado ng babaeng Corres ang inilabas na Office Order ni BI Commissioner Mison na ang Fontana Leisure Resort ay nabigyan ng exemption at pinayagang mag-extend ng visa at makapag-process ng Exit Clearance Certificate ng kanilang customers sa casino.

Ang siste, kahit hindi naman player/costumer ng Fontana ay ipino-process nila ang Visa if the price is right?!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nasasagot ni Commissioner Mison ang tanong na malakas yata ang Fontana sa kanya!?

Kahit hindi naman kasi casino customers or high rollers, pinipilit daw i-extend ng BI-Angeles ang visa sa kagustuhang kumita nang malaki ang ilang tulisan dyan!?

Uulitin ko lang po ang tanong, napaimbestigahan mo na ba ito, Commissioner Fred Mison?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *