Sunday , November 3 2024

3 anak, 8 pa, 8-oras ini-hostage ng businessman at 2 kaanak

DAVAO CITY – Makaraan ang walong oras na hostage taking nasagip ang tatlong anak at walong empleyado mula sa may-ari ng insurance company at dalawang kaanak sa Times Beach Ecoland sa lungsod ng Davao.

Naging matagumpay ang negosasyon ni Brgy. R. Castillo Agdao Chairman Mar Masanguid sa pangunahing suspek at may-ari ng insurance company na si Dennis Bandujo nang pakawalan niya ang mga biktima.

Una rito, dakong 11 p.m. kamakalawa nang magsimula ang hostage taking sa DenBan Insurance Company na mismong ang may-ari na si Dennis ang isa sa mga suspek. Isa rin boarding house ang establisimento kung saan naninirahan ang mga empleyado ng kompanya.

Ang tatlong mga suspek ay kinilalang sina Dennis Bandujo, ang may-ari at padre de pamilya, kapatid niyang si Jimmy Bandujo, at ang bodyguard na si Jorey Gillojano.

Kinompirma ni S/Supt. Vicente Danao, Jr., Davao City Police Office director, 11 indibidwal ang unang hawak ng mga suspek kasama na ang tatlong anak ni Dennis ngunit kinalaunan ay isa-isang nakalabas ang mga biktima.

Aniya, hindi nila minadali na makuha ang mga bata dahil may hawak na armas si Dennis.

Away-pamilya ang sinasabing dahilan ng may-ari ng insurance company upang isagawa ang hostage taking.

Lasing aniya ang tatlo at may hawak na .45 Gloc pistol ang isa sa mga suspek.

Nasa kusodiya ng mga awtoridad ang mga biktima habang ang mga suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *