SAN FERNANDO CITY, La Union – Sugatan ang isang pulis makaraang aksidenteng mabaril ang sarili habang umiihi sa banyo ng police station kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si PO3 Armando Bautista, miyembro ng intelligence office ng San Fernando City Police Office.
Ayon sa ulat, umihi si Bautista sa comfort room ng pulisya at isinukbit niya sa kanyang baywang ang baril na isang caliber 9mm pistol.
Ngunit aksidenteng sumabit ang hammer ng baril sa kanyang belt kaya pumutok ito.
Tinamaan ng bala sa kanyang hita si Bautista.