Wednesday , December 25 2024

P1.6-B parking bldg., VP Binay & son Plunder sa Ombudsman (Pinakamagastos na gusali sa bansa)

072314_FRONT

SINAMPAHAN kahapon, Hulyo 22 ng P1.560 billion plunder case ang mag-amang sina Vice President Jejomar C. Binay at incumbent Makati City mayor Erwin Jejomar S. Binay at mga konsehal ng naturang siyudad sa Office of the Ombudsman dahil sa kaduda-dudang pagpapagawa ng Makati Parking building—itinuturing na most expensive parking unit sa buong bansa.

Sa isang complaint affidavit na isinumite sa Ombudsman nina Atty. Renato L. Bondal at Ching Enciso, lead convernor ng Save Makati Movement, inakusahan nila ng plunder ang mga opisyal dahil sa kaduda-dudang transaksiyon sa pag-utang sa Land Bank of the Philippines at proseso sa pagpapagawa na umabot nang halos pitong taon singkad gamit ang serye ng mga city council ordinance nang hindi batid ng mga ordinaryong residente ng Makati City.

Batay sa reklamo na may case No. 1c-0c-14-0745 vc, nagsimula ang unang odinansa noong Nobyembre 8, 2007 (2007-A-015) na mayroon lamang P400 milyon na pinagtibay ng matandang Binay nang siya ay nanunungkulan pa bilang alkalde.

Nasundan ng serye ang naturang ordinansa na naglalaan ng mga karagdagang pondo na umabot sa kabuuang P1. 160 bilyon batay sa inilaan budget sa serye ng mga ordinansa kabilang ang No. 2010-A-005; 2011-122; 2011-038; 2012-045; at 2013- 016.

“The Makati Parking Building is an 11-storey, 31,928 square meter building, the first appropriation ordinance for which was in the amount of P400 Million, enacted on November 8, 2007 (Ordinance No. 2007-A-015),” wika ni Atty. Bondal “The construction of the Makati Parking Building was financed by loans of the City from the Land Bank of the Philippines. Mayors Jejomar and Erwin Jejomar Binay, the members of the City Council and other Makati City officials involved in the appropriation, disbursement and in general, the construction of the Makati Parking Building should be held answerable in the courts of law,” wika ni Bondal sa isang panayam.

Bukod sa mag-amang Binay, kabilang sa kinasuhan ang mga konsehal na nagsilbi mula 2007 hanggang 2013 na sina Ferdinand T. Eusebio; Arnold Magpantay; Romeo Medina; Tosca Puno Ramos; Maria Alethea Casal-Uy; Ma. Concepcion Yabut; Virgilio Hilario; Monsour del Rosario; Vince Sese; Nelson Pasia; Salvador Pangilinan; Elias Tolentino; Ruth Tolentino; Henry Jacome; Leo Magpantay; Nemesio “King” Yabut; Armand Padilla; Israel Cruzado; Ma. Theresa De Lara; Angelito Gatchalian at Ernesto Aspillaga.

Kasamang kinasuhan si Cecille Caganan, COA resident auditor dahil sa kabiguan na bantayan ang maayos na proseso ng naturang transaksiyon.

“Even the initial appropriation of P400 million proposed and approved in 2007 by incumbent Vice President Jejomar C. Binay , and for which he proposed and approved, and secured a loan from the Land Bank of the Philippines, is clearly already overpriced by more than P154 million and should merit his being haled to court for plunder,” pagsipi sa complaint-affidavit nina Bondal at Enciso.

“Despite this, respondents Erwin Jejomar C. Binay and the city councillors and others continued to propose, enact and approve six (6) more appropriation ordinances, and the other officials disbursed the funds so appropriated for the construction of thje Makati ty Parking Building, in the additional amount of one billion one hundred sixty million pesos (P1. 160 billion).”

“Dahil dito, pinaniniwalaan ang naturang parking building ay maituturing na most expensive parking building sa buong bansa kung hindi man sa buong daigdig, dahil diyan, dapat lamang managot sa batas ang mag-amang Binay ang mga kasabwat na konsehal ng siyudad,” wika ni Bondal.

Kasabay nito, sumugod sa Ombudsman kahapon ang isang grupong Makati-based anti-corruption watchdog, Ugnayan ng Makati Ayaw sa Korapsyon o UMAK upang magpahayag ng suporta sa pagsasampa ng kaso laban sa lokal na pamahalaan ng Makati na nasasangkot sa isyu ng over pricing ng konstruksyon ng isang parking lot.

Ayon sa local na pamahalaan, ang naturang parking lot ay nasa local na regulasyon ng syudad hinggil sa batas ng parking. Ipino-protesta naman ng grupong UMAK ang halaga nitong umaabot sa P1.56 bilyon.

“Ito ay malinaw na kaso ng OVER-PRICING. Ang halagang P1.56 bilyon ay nailaan na sana sa pagpapatayo ng mga eskwelahan, mapapakain sana nito ang libo-libong mamamayan ng Makati at mapapaganda na sana ang kalidad ng mga buhay namin. Sobra-sobra ito para lang sa isang parking lot,” pagsipi sa opisyal na pahayag ng UMAK. “Sa gitna ng lumalalang isyu ng korupsyon sa buong Filipinas, nagising ang Makati. Ngayon, handa na kaming tumindig para sa kinabukasan namin at ng aming mga anak.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *