Monday , December 23 2024

INC’s Philippine Arena dapat ipagmalaki ng buong bansa

00 Bulabugin JSY
SA Hulyo 27, sa selebrasyon ng Centennial ng Iglesia ni Cristo (INC) opisyal nang binuksan kahapon (Hulyo 21) ang Philippine Arena, isang multi-purpose indoor arena na matatagpuan sa Ciudad de Victoria na sumasakop sa dalawang bayan ng Bulacan, ang Bocaue at Sta. Maria.

Mayroong kapasidad na 55,000 seats, itinuturing ito ngayon na pinakamalaki sa buong mundo. Ito ang centerpiece sa kabuuang proyekto ng INC para sa kanilang Centennial Grand Celebration. Pagmamay-ari ito ng INC sa ilalim ng New Era University. Gayon man, bukas ito para sa malalaking event na gagawin sa bansa.

Ang konstruksiyon ng Philippine Arena ay inspirado mula sa ating Pambansang Puno na Narra at sa ugat ng Banyan tree.

Sinimulan ito noong Agosto 17, 2011 at natapos noong Mayo 21, 2014 bilang paghahanda nga sa Hulyo 27.

Makatutulong din ito, hindi lang sa miyembro ng INC kundi maging sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa.

Kaya naman lalo tayong bumibilib at humahanga sa INC. Sila lang yata ang sekta na nagbabalik ng biyaya sa kanilang miyembro.

Naggagandahan ang mga kapilyang ipinatatayo nila.

Hindi katulad ng iba d’yan, ang laki ng koleksiyon pero ang ipinatayong sambahan ‘e bubungan na malaki lang.

Anyway, nais po nating ipaabot ang ating taos-pusong pagbati sa pamunuan ng INC sa kanilang pinatayong INC Philippine Arena.

Kudos Ka Eddie Boy Manalo!

Mabuhay ang Iglesia ni Cristo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *