DESMAYADO ang mga kapatid natin sa hanapbuhay sa NAIA sa sinapit ni Mr. AVITO DALAN, veteran photo-journalist ng Philippine News Agency (PNA) sa kamalasadohan at kabastusan ng isang security guard sa Manila International Airport Authority (MIAA) Administration Building.
Kung makikita po ninyo si Avito, isang simpleng tao at hindi mo pa nga aakalaing legitimate news photographer dahil medyo mababa ang height, simple manamit at medyo mahiyain kung magsalita.
Nitong nakaraang Lunes (July 7) ay dumanas ng ‘di makalilimutang karanasan si Avito sa kanyang pagtupad ng tungkulin.
Si Avito, ang nakatalagang official photog ng Malacañang para sa kinakatawanan niyang government media agency na PNA, pero ‘tinabla’ ng kamoteng sekyu na nakatanghod ‘este’ nakatalaga sa MIAA Admin Bldg.
“Dumating po ako exactly8:15 in the morning thru your media advisory of the blessings of 5 MIAA shuttle buses. I’m wearing my proper media identification. Hinarang po ako ng gwardiya at hinanap po sa akin ‘yong pass control card, ipinaliwanag ko na sir sa loob lang po ng terminal ‘yun required, pero rito sa labas open for media coverage. hindi na po kailangan ‘yung pass control. Hindi pa rin niya maintindihan,”bahagi ng liham ni Avito naka-address kay Connie Bungag, chief ng Media Affairs Division ng MIAA.
“I am appealing to your good office to make a proper orientation with this gentleman, try to “verify po” para malaman n’yo ‘yung naka-duty at that time to prevent po na hindi naman po ako o kami and other media na ‘MAPAHIYA’ salamat po,”dagdag ni Avito sa kanyang liham/reklamo.
Sa problemang ito, masasabi natin na nagkaroon ng pagkukulang ang MIAA media affairs division, mag-i-invite ng media thru their text/email media advisory pero hindi naman nako-coordinate nang maayos sa mga guwardiyang ‘kulang sa pag-intindi’ ng MIAA Admin building.
Wala man lang ba kayong tao doon sa area para maiayos ang media coverage?
Hay naku Ms. Connie Bungag, mahirap ba talagang humawak ng dalawang position sa MIAA!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com