Monday , December 23 2024

Bakit sandamakmak ang nagpapakilalang bagman ng PNP-NCRPO!? (Paging: Gen. Carmelo Valmoria)

00 Bulabugin JSY
PARANG piyesta na naman daw ng mga bagman at kolek-TONG sa Metro Manila.

Sandamakmak sila na nagpapakilalang sila ang mga opisyal na ‘SUGO’ nina PNP-NCRPO chief, Gen. Carmelo Valmoria at Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.

Ilan sa mga bagman na ‘yan na parang turumpong ikot nang ikot sa kolektong sa Metro Manila ay sina alyas HIKA LLANADO, KAPRE KRUS,BOY OGAG, CRIS RETARDEDat ABNOY ESPELETA.

Aba’y hindi nangyari ‘yan noong si Gen. Marcelo Garbo pa ang namumuno sa NCRPO-Bicutan?!

Sa sobrang pagkaladkad nga raw sa pangalan nina Gen. Valmoria at SILG Roxas ‘e kulang na lang magsuot sila ng mga mukha (maskara) ng dalawang opisyal.

Dala-dala nila ang pangalan nina Gen. Valmoria at SILG Roxas sa kanilang pangongolek-TONG sa ilegal na sugalan, putahan at pati na umano sa droga.

Alam n’yo ba ‘yan, Gen. Valmoria at SILG Roxas?!

‘E kung hindi totoong alam n’yo ‘yan, saan napupunta ang mga ipinangongolek-TONG nina HIKA, KAPRE, GAGO, RETARDED at ABNOY?!

Malamang puro ‘BUKOL’ na kayo!

MEDIA BINASTOS NG OGAG NA GUWARDIYA NG MIAA-ADMIN

DESMAYADO ang mga kapatid natin sa hanapbuhay sa NAIA sa sinapit ni Mr. AVITO DALAN, veteran photo-journalist ng Philippine News Agency (PNA) sa kamalasadohan at kabastusan ng isang security guard sa Manila International Airport Authority (MIAA) Administration Building.

Kung makikita po ninyo si Avito, isang simpleng tao at hindi mo pa nga aakalaing legitimate news photographer dahil medyo mababa ang height, simple manamit at medyo mahiyain kung magsalita.

Nitong nakaraang Lunes (July 7) ay dumanas ng ‘di makalilimutang karanasan si Avito sa kanyang pagtupad ng tungkulin.

Si Avito, ang nakatalagang official photog ng Malacañang para sa kinakatawanan niyang government media agency na PNA, pero ‘tinabla’ ng kamoteng sekyu na nakatanghod ‘este’ nakatalaga sa MIAA Admin Bldg.

“Dumating po ako exactly8:15 in the morning thru your media advisory of the blessings of 5 MIAA shuttle buses. I’m wearing my proper media identification. Hinarang po ako ng gwardiya at hinanap po sa akin ‘yong pass control card, ipinaliwanag ko na sir sa loob lang po ng terminal ‘yun required, pero rito sa labas open for media coverage. hindi na po kailangan ‘yung pass control. Hindi pa rin niya maintindihan,”bahagi ng liham ni Avito naka-address kay Connie Bungag, chief ng Media Affairs Division ng MIAA.

“I am appealing to your good office to make a proper orientation with this gentleman, try to “verify po” para malaman n’yo ‘yung naka-duty at that time to prevent po na hindi naman po ako o kami and other media na ‘MAPAHIYA’ salamat po,”dagdag ni Avito sa kanyang liham/reklamo.

Sa problemang ito, masasabi natin na nagkaroon ng pagkukulang ang MIAA media affairs division, mag-i-invite ng media thru their text/email media advisory pero hindi naman nako-coordinate nang maayos sa mga guwardiyang ‘kulang sa pag-intindi’ ng MIAA Admin building.

Wala man lang ba kayong tao doon sa area para maiayos ang media coverage?

Hay naku Ms. Connie Bungag, mahirap ba talagang humawak ng dalawang position sa MIAA!?

MPD DISSOLVED UNITS GAMIT PA SA KOLEKTONG

ISANG ‘LUBOG’ na lespu ng Manila Police District (MPD) ang namamayagpag sa kaiikot at kakokolektong ng ‘protection money’ mula sa mga ilegalista at mga pobreng vendors sa lungsod ng Maynila.

Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha si alias NIL MANLAPAS at patuloy na nangongolektong para sa DISSOLVED UNITS ng MPD HQ gaya ng District Special Taskforce Group (MPD/ STG ), District Special Project Unit (MPD/DSPU) District Police Intelligence Office Unit (MPD/ DPIOU) at ang pinakahuling binuwag na MPD-DPIOU – Reaction Unit.

MPD district director General Rolando Asuncion, hindi ba binuwag mo na ang mga ask ‘este’ task force na ‘yan dahil sa duplication of function ‘e bakit nagagamit pa sa kolektong ang mga unit na ‘yan!?

Pati ang MPD-DID ay kaladkad na rin ni alias Manlapas sa kolektong mula sa mga 16012 operators na sina BAGMAN 1602 COP PAKNOY, LORNA, EDNA ENTENG D.ROSARIO, KABO-OBET-log IGNACIO at BOY BATANG na may codename na “ZALDY.”

Ang matindi pa sa lakad ni PO-TONG MANLAPAS, sa MPD-District Intelligence Division (DID) na pinamumunuan ni P/Supt. Claire Cudal dinadala ang mga huling fixer ng pekeng diploma, Cytotec vendors, vendor ng pekeng DVDs, CDs sa Barbosa at Plaza Miranda Quiapo (sakop ng PS3/Barbosa PCP at Plaza Miranda PCP), personnel ng illegal gambling at mga dancer ng club.

MPD-DID chief, Madam Kernel Cudal, binasbasan mo ba ang kawalanghiyaan ni Tata Manlapas!?

Aba’y kung hindi, kalusin agad ang kanyang katarantadohan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *