ISANG nakaaalarmang INFO ang ating natanggap na ang Bureau of Immigration (BI) holding facility sa Bicutan ay lantaran na ang pagbebenta ng metamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu sa BI detainees.
Isang babae raw ang courier ng shabu na malayang nakalalabas-masok sa loob ng faciliy matapos maghatag ng P10,000 kada delivery.
Napakarami raw parokyano ng babaeng courier sa detention cell. Number 1 raw sa listahan ang mga Koreano at European detainees na adik at suki ng lantarang bentahan ng Shabu.
Ipinapasok daw nila sa bilangguan gamit ang instant cup noodles para hindi obvious na may laman na bato.
Sonabagan!!!
BI Comm. Fred Mison, kailangan tutukan mo na ang security diyan sa BI detention cell.
Madali lang naman malaman kung may katotohanan ang info na ‘yan, ipa-random drug test ang lahat ng detainees pati na ang mga guwardiya ng BI.
Pwede rin siguro i-assign mo muna diyan si BI Intel officer Jerome Gabionza para mag-monitor ng mga dalaw at magbantay sa detainees bago siya magretiro.
Baka isang araw ay magising na lang tayo na may lutuan o pabrika na rin ng shabu diyan sa BI detention cell, ‘di ba!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com