Monday , December 23 2024

Anong sumpa mayroon ang Malaysia Airlines?

00 Bulabugin JSY

HINDI pa nakikita ang Malaysia Airlines Flight 370 (MH370/MAS370), ang international passenger flight mula Kuala Lumpur patungong Beijing na nawalan ng kontak sa air traffic control at naglaho noong Marso 8 dakong 01:20 MYT (17:20 UTC, 7 March) kulang isang oras matapos mag-takeoff. Sakay ng nasabing aircraft ang 12 Malaysian crew members at 227 passengers mula sa 14 bansa.

Ngayon sinundan naman ng pagbagsak ng Malaysia Airlines flight 17 (298 passengers and crew) sa Eastern Ukraine na sinabing pinabagsak ng Kiev rebels na suportado ng Russia.

Sa ikalawang pangyayari, hindi natin alam kung inaalat ba talaga ang Malaysia Airlines o biktima ng malalaking pangyayari sa mundo ngayon gaya ng nagaganap na air strike sa Palestine ng pwersang Israeli at ang nagaganap na etnikong labanan sa Eastern Ukraine.

Una, sinabing ang pagpapabagsak sa MH17 ay sinasadya upang malihis ang international attention sa nagaganap na air strike sa GAZA na ikinamatay na ng hindi mabilang na inosenteng Palestines.

O biktima sila ng pagpapakita ng lakas ng pwersa ni Ukraine junta president Poroshenko?!

Imbestigasyon ng pandaigdigang organisasyon ng iba’t ibang bansa ang makasasagot niyan …

Pero iisa ang malinaw, patuloy ang lumalakas na protesta laban sa mga oligarkiya sa iba’t ibang bansa Europa.

Dahil sa nagaganap sa Ukraine maraming airlines na pala ang umiwas sa nasabing ruta.

Hindi natin alam kung bakit hindi umiwas ang MH17 dito.

Ayon sa report, mas matipid daw sa aviation fuel ang rutang ito na iniiwasan na ng ibang airlines.

Ngayon, nakahanda ang Malaysia Airlines na i-refund nang walang bawas ang lahat ng mga pasaherong naka-book ang flight sa kanila.

Pero hindi ito ang pinag-uusapan dito …

Dapat, alam ng isang airline company kung may panganib sa mga rutang kanilang dinaraanan para hindi madamay ang buhay ng kanilang mga pasahero.

Sa mga kababayan natin  madalas bumiyahe patungo sa Middle East at Europa, mag-ingat po kayo sa mga pipiliin ninyong flights.

Paaalala lang po.

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *