WALANG nagawa laban sa daluyong ni Glenda maging ang pinakamalaking rubber tree na humandusay at dumagan sa apat na sasakyan sa Lapu-Lapu St., sa Magallanes Village, Makati City maging ang mahigit isang siglong (100 taon) puno ng Acacia sa harap ng palasyo ng Malacañang. Kapuna-puna sa unang larawan ang makikitang imahe ng babaeng nakaitim at mahaba ang buhok at isang matandang lalaki na nakaitim. (Mga larawan mula sa Facebook account ng ABS-CBN at
Malacanang Photo Bureau)