KAMAKALAWA sa kasagsagan ng bagyong Glenda, inasahan na natin na maraming masasalanta gayon pa man ay patuloy tayong humiling sa Itaas na sana ay huwag naman maulit ang gaya sa pagdaluyong ni Yolanda na maraming buhay ang kinuha.
Pero ang hindi natin inaasahan ‘e ‘yung magkaroon ng aberya sa isang international 5-star hotel and casino gaya ng Solaire Casino ni Enrique Razon na naririyan sa Parañaque City.
Heto po ang sumbong sa atin…
‘Yun nga, kamakalawa bandang 8:00 ng umaga, nagulat ‘yung mga customer/player na kumakain sa Fresh buffet restaurant sa loob ng Solaire Resort and Casino nang biglang may bumagsak na malakas sa bubungan.
Talagang napakalakas na akala ng mga customer/player ay mayroong sumabog na bomba kaya nga nag-panic ang iba.
Kasunod ng pagbagsak ay umuga nang malakas ang baldosa at ang paligid saka bumaha.
Dahil sa paghugos ng tubig, agad pinatigil ang operasyon ng mga silat ‘este’ slot machine.
Kasunod nito, halos limang oras na walang koryente sa nasabing resort casino. Hindi gumana ang kanilang generator set!
May na-trap pa sa loob ng elevator. Kaya hingal-kalabaw ang mga naka-check-in sa hotel na sa hagdan dumaan paakyat sa kanilang kuwarto.
What the fact?!
International resort casino, palpak ang generator-set?!
Ano na ba ang nangyayari sa negosyo mo Mr. Enrique Lason ‘este’ Razon?!
Hindi pa d’yan natapos ang disgrasya sa mga parokyano.
Mayroon din iniulat na sa isang hotel room ay bumagsak ang kisame buti na lang at hindi nadale ang mga occupant!?
Mukhang dapat inspeksiyonin ng Parañaque City Engineering Office ang ipinagmamalaki ni business tycoon Enrique Razon na international 5-star resort and casino — ang Solaire.
Matagal na nga natin naririnig na kapag bumubuhos umano ang malakas na ulan ‘e binabaha ang loob ng Solaire Casino.
Aba nakakatakot pala d’yan!?
‘E hindi ba reclamation area ang lugar na ‘yan? Tinabunan lang ng lupa ang dagat na pinagtayuan ng Solaire?
Baka habang namamasyal-masyal, nagsusugal o natutulog ang mga customer/player ‘e biglang lumubog ang buong Solaire Resort and Casino!?
Malaking sakuna ‘yan at talagang maitatala ‘yan sa kasaysayan ng tourism industry — at baka maging tatak na naman na ONLI IN DA PILIPINS.
Pwede rin naman, “It’s more fun in the Philippines …”
Baka alatin pa d’yan si Dacer-Corbito murder/kidnapping suspect at Solaire Security director Michael Rey Aquino na ilang beses nakalusot sa batas ng Amerika pero d’yan lang pala lulubog sa Solaire Resort and Casino?!
Again, tinatawagan po natin ang Parañaque City Engineering Office … INSPEKSIYONIN ninyo ang Solaire Resort and Casino alang-alang sa kaligtasan ng mga customer/player na nag-aakyat ng malaking kwarta sa business tycoon na si Razon!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com