DESMAYADO na ang stall owners at vendors sa loob at labas at maging sa mga bangketa ng Pritil Market dahil sa sandamakmak na TANGGA at TONGPATS na iniaatang sa kanila para umano sa mga nagpapayamang opisyal ng palengke!?
Base sa reklamo ng vendors, iba’t ibang klaseng pakulo ang kinokolek-TONG sa kanila ng pamunuan ng palengke.
Isang alias PERCY na nagpapakilalang CSF na bata-batuta raw ng market master ang taga-kolekta sa kanila.
FYI YORME ERAP, kaya raw makapal ang mukha nitong si alias PERCY ay dahil rekta siya sa mga kolektong ng isang alias SAM-G na sina alias ALEX HIPO-LITO at BAROK.
Sila ang direktang bagsakan ng TARA sa lahat ng palengke gaya ng Divisoria vendors at sa mga TSINOY sa Binondo.
Araw-araw ay P30 kada vendor sa paligid ng palengke ng Pritil ang hatag, iba pa ang binabayarang TICKET na dalawa lamang ang ini-issue pero apat ang halagang sinisingil.
Reklamo ng 500 Stall owners, bakit pati sila ay tinatarahan ng P30/araw gayong tenant/owners sila?!
Kapag lumampas ng ga-BUHOK lang sa kanilang stall boundary ang patungan o paninda ay P30 na naman kada stall.
WALA naman daw silang nakikitang improvement sa nabubulok at pinabayaang panghe ‘este’ palengke!?
Pati nga paggamit nila ng CR ay may bayad na P5 kada pasok!
Sonabagan!!!
Kung susumahin umano ay P15mil araw-araw ang kolektong mula sa EXCESS na estilo.
Kaya tumataginting na P.5 MILLION kada buwan ang nakukulimbat nila sa excess.
Kaya pala nagkakagulo ang asosasyon ng palengke?!
Dusa at hirap ang inaabot sa market master, dinadagdagan pa ng asosasyon?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com