LETRANG “L” na lang daw ang kulang sa Freedom Of Information (FOI) Bill at isa na itong foil(ed) bill against the Filipino people.
Nangako (OPM) na naman si Pangulong Benigno Aquino III na bago matapos ang kanyang termino (2016) ay ipapasa na ang FOI Bill.
Deja vu?
Napanood na natin ito … ganito na ang nangyari sa ilalim ng House chairmanship ni Rep. Ben Evardone ng Samar.
Si Evardone na isang dating mamamahayag pero nagkapwesto at nagkamal ng kwarta sa gobyerno noong panahon ni GMA ay isa sa mga dahilan kung bakit nabinbin nang nabinbin ang ganap na pagsasabatas ng FOI.
‘Yan pong FOI Bill ang kongkretong larawan ng ‘TRANSPARENCY’ sa ating pamahalaan.
Kung ganap na maisasabatas ang FOI magkakaroon po nang ganap na kalayaan ang bawat mamamayan na magkaroon ng access sa mga impormasyon o nangyayari sa pamahalaan.
Malaking tulong din po ito sa mga mamamahayag sa pagtupad ng tungkulin.
At sa pamamagitan din ng FOI hindi na ganoon kadali ang pagsasampa ng kasong libel laban sa mga mamamahayag.
Pero lahat po ‘yan ay naunsyami sa ilalim ng chairmanship ni Evardone.
Ginamit lang na battle-cry noon ng Liberal Party sa kanilang kampanya na kung si Noynoy ang mananalong Panggulo ‘este’ Pangulo ay ipapasa agad ang FOI bill.
Pero ang ang nangyari makalipas ang apat na taon … nganga!
Ang nakanenerbiyos dito sa pangako na naman ni Noynoy, mukhang gagamitin lang deodorant o pabango para sa 2016.
Mamadaliin pero tiyak, bungi-bungi ang kalalabasan at tiyak na magiging butas-butas na naman.
At siyempre ang tatamaan ng batas na ito ay ang susunod na administrasyon!
Iba na ang wa-is!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com