NAKAPAGTATAKA na hindi nabibigyan ng pansin ang lantarang anomalya sa Bureau of Immigration (BI) Mactan Cebu International Airport. Masyado na raw ang pamamayagpag ng isang IO GIGI ANGELES sa paggawa ng milagro?
Gayong ang lahat ng ibang Immigration Officers (IO) sa paliparan sa Pilipinas ay nananahimik na at talagang takot masilipan at makasuhan, pero si Ms. Angeles ay wala umanong katakot-takot sa pagiging “very friendly” sa mga restricted nationals, partikular sa mga Intsik at Bombay?!
Jack of all trades din daw kung ituring si IO Gigi Ang-panes ‘este’ Angeles dahil bukod sa pagiging member ng BI-Travel Control & Enforcement unit (TCEU) sa airport, nag-aakto rin daw na Supervisor at pati trabaho ng Immigration Officer na taga-tatak ng passport, pinapapapelan rin daw niya!
Walastik!!! Boom panes talaga!
Pero alam ba ninyo na may nakabinbin pa raw kaso si Angeles kay Atty. Tan sa BI Board of Discipline dahil sa back to back na pagtatak sa passport. Nangyari raw ito noong 2013 at ngayong 2014.
Palibhasa ‘talentada’ ay natuto raw kumapit sa napapabalitang favorite lawyer ni Comm. Fred Mison na si Atty. Taha, na ngayo’y naka-assign din sa BI-Cebu.
Oh I see, kaya pala kahit ano raw ang gawin ni IO Gigi Angeles ay sunod na sunod ang kanyang layaw at kapritso?
Aba’y kung ganyan ang kanyang diskarte, pwedeng makanal si Comm. Fred Mison!?
By the way, ano na ba ang status ng kaso ni IO Ang-panes ‘este’ Angeles na dalawang (2) taon na yatang inaamag sa mesa ni Atty. Tan? Hindi ba dapat matagal na niyang na-resolve at dapat ay napatawan na rin ng preventive suspension?
May nagsasabi na masyado raw napapadrinohan ni Atty. Taha kaya halos usad-pagong na ang nasabing kaso?
Masyado naman yatang unfair ‘yan sa ibang IO na napakabilis nahatulan ‘este’ nadesisyonan ang kanilang kaso. ‘Yung ibang may kaso nga na tsismis (DERO) lang at walang basis ay swak agad. Pero si IO Gigi Angeles ay masyado naman nagiging spoiled daw pagdating sa Board of Discipline.
Hindi ba may instruction si Comm. Mison na resolbahin na lahat ng admin case ng mga empleyado?
I’m calling your attention Comm. Fred Mison, sana ay paimbestigahan ninyo ang ‘pinaggagawa’ ni IO Gigi Angeles sa BI-Cebu at paki-kalampag na rin ang Board of Discipline para resolbahin ang kaso niya.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com