ANG talumpati kamakalawa ni Pangulong Benigno Aquino para ipagtanggol ang DAP, sisihin ang Korte Suprema at ang nagdaang administrasyon ay walang esensiyal na epekto sa mamamayan.
Para sa masang sambayanan, ang talumpati ni PNoy ay isang malaking ‘ALIBI’ na isinangkalan ang rason na ‘para mapabilis ang serbisyo patungo sa mamamayan.’
Sa totoo lang, simple lang ang tanong, alin ba ang pinabilis? Ang paghahatid nga ba ng serbisyo sa mamamayan o ang pagpapalabas ng bilyon-bilyong savings ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan?
Mas marami sigurong maniniwala na ang rason ay iyong pangalawang tanong at hindi ‘yung una.
‘Yung una ay malinaw na ginamit lang na ‘ALIBI.’
Nakita natin sa TV at youtube na naroon rin sa Palasyo si Vice President Jejomar Binay, pero hindi natin siya nakitang pumalakpak o kinamayan ang Pangulo bago at pagkatapos ng talumpati.
Ito na ba ang simula ng dedmahan nina PNoy at VP Binay?!
‘Galit-galit ba muna tayo’ ang drama ninyo!?
By the way, napansin lang natin na ‘yung mga nagpalakpakan, sila ‘yung mga walang kamatayang ‘sipsip’ kay PNoy at malamang ‘e malaki ang pinakikinabangan?
Nakalulungkot na narito ang isang Pangulo na nagmamalaking nakapagpakulong ng mga sangkot sa P10-bilyon pork barrel scam pero ang kanya palang administrasyon mismo ay mayroong mahigit as P10-bilyong eskandalo?!
Mayroon pa bang mapagkakatiwalaan ang sambayanan?!
Hay buhay-Pinoy!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com