Monday , December 23 2024

Trying very hard sa kanyang papogi si SILG Mar Roxas

00 Bulabugin JSY
MARAMING natawa at kasunod nga ‘e pinutakte at ‘pinulutan’ sa social media ang mga naglabasang retrato ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa mga pahayagan at video clips sa mga television network.

Hindi ko alam kung nagbabasa kayo ng mga comment sa social network Sec. Mar, pero maging ang inyong lingkod ay hindi masikmura ang mga puna ng Netizens sa very trying hard ninyong mga photo ops.

Mantakin ninyong magbuhat kayo ng mga sako ng bigas doon sa sinalakay ninyong bodega ng National Food Authority (NFA)?

Meron ka pang photo ops na nagmamartilyo pero mali ang paghawak mo at wala raw pako.

What the fact!!!

‘E hindi mo naman dapat gawin ‘yan Sir Mar.

Trabahuin mo muna ‘yung PEACE & ORDER at ipatupad mo ang ONE STRIKE POLICY laban sa illegal gambling.

Sino ba ang PR consultants mo, SILG Roxas?!

Magtanong at humingi ka muna ng payo sa misis mo kung tama ba ‘yang pinaggagawa mo.

Ate Koring pagpayuhan mo ‘yang asawa mo ng tamang PR!

Ay sus!

TULOY PA RIN ANG RAKET NA DUKOT-LISENSIYA SA MTPB

AKALA natin ‘e nanahimik na ang tandem nina alias KENDI at AYBORY sa Manila Traffic Parking Bureau (MTPB).

Hindi pa pala…

Kamakailan lang, may mga nakausap tayo na sa halagang P1,000 ay kanyang naipadukot sa tandem na KENDI at AYBORY ang kanyang lisensiya na ang orihinal na violation ay may multang P4,000.

Mukhang ‘yan ang dapat na busisiin ni Yorme Erap sa MTPB. Kung ‘yung tiket na iniisyu ng MTPB ay nasa computer system ba.

Kasi kung naka-computer ‘yun bakit nakapagpapadukot ng tiket at nararaket sa pansariling bulsa nina KENDI at AYBORY?!

By the way, may extension office ba ang MTPB sa Velasquez/Panday Pira at Lemonada/Tiesa na pinupuntahan ng mga driver na natiketan ng MTPB?

Paki-explain nga Mr. Carter Logica!

DESMAYADO KAY CONGRESSMAN BEN EVARDONE

Talagang hanga rin naman ako rito kay Cong. Ben Evardone ng lone district ng Eastern Samar.

Noong una, buong akala natin ay mabibigyan niya ng pakahulugan ang PRESS FREEDOM, dahil siya ay dating media practitioner.

Umasa ang marami sa kanya bilang House Chairman ng Public Information noong 14th Congress, na bibigyan buhay at maipapasa ang FREEDOM OF INFORMATION BILL.

Aba’y mantakin ninyong natapos at natapos ang sesyon hanggang mag-eleksyon ulit, inagiw lang sa bodega ng Kongreso.

Kung matatandaan ninyo may tatlong buwan pa bago ma-adjourn ang 14th Congress ay may laban si Pacquiao sa Amerika laban kay Bradley na natalo si Pacquiao sa split decision. Nanood pa si Cong. Ben Evardone. Aba’y nakauwi na si Pacquiao, wala pa rin si Cong Evardone sa Congress at hindi narereport.

Ang sabi, kailangan bigyan-daan ‘yun RIGHT of REPLY, na ipinasok ni Cong. Rodolfo Antonino ng Nueva Ecija, ang sabi ni Evardone, ganyan talaga ang demokrasya, etc., etc., drinibol pati mga kasama niya sa Kongreso, inilagay sa botohan ang pagresolba sa lahat ng isyu kaugnay ng FOI. Ayun! Inabot ng Pasko.

Noon din panahon na ‘yun ay walang humpay ang iba’t ibang sector, lalo na ang media practitioners, para mapasimulan na ang committee hearing sa FOI Bill. Nang dumating si Evardone, (tapos na ang version ng FOI sa Senado noon). Nagpupumilit si Cong. Erin Tañada na pasimulan na ang hearing. Katuwiran ni Evardone, walang kwartong magagamit sa House. Hinamon siya ni Tañada na kahit sa ilalim ng mga puno sa compound ng Congress ay gawin ang hearing.

Malinaw pa sa sikat ng araw na si Cong. Ben Evardone ang hadlang sa pag-usad ng FOI Bill, noong siya ang Chairman ng Public Information noong 15th Congress.

Ngayon, pumapel na naman na animo’y totoo ang mga sinasabi. Naku po Congressman, “tell that to the marines” kahit anong sabihin mo walang halaga lahat ‘yan.

Sayang lang Speaker Sonny Belmonte at pinili mo si Evadone na malabnaw pa sa putikan ng kalabaw ang mga sinasabi, alam ng lahat kung ano ang kulay niyan. Kapag lulubog na ang bangka lilipat ‘yan, iiwan ka niyan sa ere gaya ng ginawa niya sa mga media practitioner. Walang tibay na maaasahan, sa walang direksyon ang prinsipyo at political career…

CONG. BEN EVARDONE, ANO NGA BA KULAY MO? PULA, DILAW, BERDE O ITIM?

– Email withheld upon request

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *