PASSION ni Lloyd Zaragoza ang kumanta kaya naman nasabi nitong kahit wala siyang bayad ay kakanta siya para maipakita o mai-share ang kanyang musika.
Ito ang naikuwento sa amin ng nakababatang kapatid ni Jessa Zaragoza sa launching ng Jet 7 Bistro sa President Tower, Timog, Quezon City last Monday night. Isa si Lloyd kasama an kanyang bandang Art N Soul na tumutugtog sa bar na ito every Thursday.
“’Yung mga ganito, acoustic set, mas gusto ko, so I’m so excited to promote it,” aniya.
Bale pag-aari ni Jet Lorenzano ang Jet 7 Bistro at nasabi nitong marami ng taong pumupunta sa kanila simula nang magkaroon sila ng soft-opening.
Ipinagmamalaki kasi ni Jet ang dalawa niyang Chef na sina Christopher Cordero, Filipino-American at Robert Ignacio, Filipino-Irish na talaga namang masarap magluto ayon na rin sa mga natikman naming pagkain doon.
Ayon sa dalawang chef, naging puhunan nila sa pagluluto ng masasarap na pagkain ang kanilang sariling mga karanasan simula noong bagets pa sila. Kumuha rin sila ng short courses pero mas ginagamit nila ang sariling diskarte sa pagluluto.
Best-seller sa Jet 7 Bistro ang Armenian kebab, Dungeness crabs at ang French-cut rib eye Angus steak na nagkakahalaga ng P3,800 na sulit na sulit dahil super yummy talaga.
Kaya tamang-tama ang lugar na ito para sa pamilya at magkakaibigan. Go na kayo sa Jet 7 Bistro na bukod sa yummy ang food, magaganda at magagaling pa ang mga singer doon tulad nina Lloyd at ng kanyang band at ang songwriter/producer na si Summer na every Monday ang gig.