Talagang hanga rin naman ako rito kay Cong. Ben Evardone ng lone district ng Eastern Samar.
Noong una, buong akala natin ay mabibigyan niya ng pakahulugan ang PRESS FREEDOM, dahil siya ay dating media practitioner.
Umasa ang marami sa kanya bilang House Chairman ng Public Information noong 14th Congress, na bibigyan buhay at maipapasa ang FREEDOM OF INFORMATION BILL.
Aba’y mantakin ninyong natapos at natapos ang sesyon hanggang mag-eleksyon ulit, inagiw lang sa bodega ng Kongreso.
Kung matatandaan ninyo may tatlong buwan pa bago ma-adjourn ang 14th Congress ay may laban si Pacquiao sa Amerika laban kay Bradley na natalo si Pacquiao sa split decision. Nanood pa si Cong. Ben Evardone. Aba’y nakauwi na si Pacquiao, wala pa rin si Cong Evardone sa Congress at hindi narereport.
Ang sabi, kailangan bigyan-daan ‘yun RIGHT of REPLY, na ipinasok ni Cong. Rodolfo Antonino ng Nueva Ecija, ang sabi ni Evardone, ganyan talaga ang demokrasya, etc., etc., drinibol pati mga kasama niya sa Kongreso, inilagay sa botohan ang pagresolba sa lahat ng isyu kaugnay ng FOI. Ayun! Inabot ng Pasko.
Noon din panahon na ‘yun ay walang humpay ang iba’t ibang sector, lalo na ang media practitioners, para mapasimulan na ang committee hearing sa FOI Bill. Nang dumating si Evardone, (tapos na ang version ng FOI sa Senado noon). Nagpupumilit si Cong. Erin Tañada na pasimulan na ang hearing. Katuwiran ni Evardone, walang kwartong magagamit sa House. Hinamon siya ni Tañada na kahit sa ilalim ng mga puno sa compound ng Congress ay gawin ang hearing.
Malinaw pa sa sikat ng araw na si Cong. Ben Evardone ang hadlang sa pag-usad ng FOI Bill, noong siya ang Chairman ng Public Information noong 15th Congress.
Ngayon, pumapel na naman na animo’y totoo ang mga sinasabi. Naku po Congressman, “tell that to the marines” kahit anong sabihin mo walang halaga lahat ‘yan.
Sayang lang Speaker Sonny Belmonte at pinili mo si Evadone na malabnaw pa sa putikan ng kalabaw ang mga sinasabi, alam ng lahat kung ano ang kulay niyan. Kapag lulubog na ang bangka lilipat ‘yan, iiwan ka niyan sa ere gaya ng ginawa niya sa mga media practitioner. Walang tibay na maaasahan, sa walang direksyon ang prinsipyo at political career…
CONG. BEN EVARDONE, ANO NGA BA KULAY MO? PULA, DILAW, BERDE O ITIM?
– Email withheld upon request
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com