Tuesday , November 5 2024

Tulisang pulis na nanggahasa ng menor de edad na detainee kinonsinti at pinatakas ni Kernel Torralba!? (Attn: DSWD & DILG)

00 Bulabugin JSY

IMBES mailigtas sa kapariwaan lalo pang nasira ang buhay ng isang 17-anyos na babaeng detainee nang ikulong sa Silang Municipal police station dahil umano sa kasong drugs.

Ang Silang Municipal police station ay nasa ilalim ng pamamahala ni Supt. Gil Torralba.

Ang 17-anyos na dalagita ay dinakip umano sa kasong droga. Hindi malinaw kung drug user o pusher.

Pero pinangakuan umano ng isang PO1 Randy Mandolado Macariza, 33-anyos, may-asawa, na tutulungan niyang makalaya ang menor de-edad na babaeng detainee kung sasama sa kanya sa motel.

Naganap ang panghahalay ng manyakol na pulis sa biktima nitong buwan ng Mayo sa Traveler’s Inn sa By Pass Road ‘di kalayuan sa nasabing estasyon ng pulisya.

Pagkalipas ng dalawang araw, muling niyaya ni Macariza ang biktima sa motel at muli, dahil sa kagustuhang makalaya ay muling pumayag sa gusto ng ‘pulisan’ (pulis na tulisan).

Pero umabot nang buwan ng Hunyo na nakakulong pa rin siya kaya nagsumbong na ang biktima sa kanyang tiyahin.

Agad naman daw nagpatawag ng imbestigasyon si Kernel Torralba at ang kaso ay isinampa sa Cavite Provincial Fiscal’s Office sa ilalim ni Prosecutor Larry Escabero, nitong July 4, 2014, Imus City, Cavite.

Pero ang ipinagtataka ng tiyahin ng biktima, walang aksyon si Kernel Torralba laban kay manyak ‘este’ Macariza na hindi man lamang isinailalim sa technical arrest kaya ang suspek ay nakatakas at ngayon ay idineklarang absent without official leave (AWOL).

Nagtataka rin ang tiyahin ng biktima kung bakit hindi ipinasa sa pangangalaga ng Department of Social Welfare Development (DSWD) ang kanyang pamangkin gayong siya ay menor de edad.

Nakatakda sanang i-turn over sa DSWD ang biktima pero sa Tagaytay Rehabilitation Center siya dinala sa kahilingan ng Silang PNP na tinanggihan naman ng Tagaytay Rehabilitation Center.

Hindi tinanggap dahil menor de edad ang biktima kung kaya muli siyang ibinalik sa Silang police station, imbes sa kustodiya ng DSWD ng nasabing Bayan.

Sinampahan ng kasong Rape alinsunod sa RA 7610 (child Abuse) ang suspek sa RTC Imus na may Case No. IV 03 INV 14G 2090 at administrative case.

Ang tanong nga, nasaan ngayon ang suspek, KERNEL TORRALBA?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *