MAY kasabihan, ang taong may malinis na konsensiya walang dapat itago sa sambayanan.
At d’yan tayo bumibilib kay Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV.
Inilabas sa isang broadshit este broadsheet newspaper na si Sen. Trillanes ay kasama sa nabiyayaan ng P50 milyones mula umano sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Batay umano ‘yan sa rek0rd ng Department of Budget and Management (DBM).
Pero mabilis pa sa kidlat na naglinaw si Senator Trillanes sa pamamagitan ng social media network na mayroong documental attachment.
Inilinaw ni Senator Trillanes na sa pagkakaalam niya hindi mula sa DAP kundi sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ang nasabing P50 milyones at klaro sa letter-request niya kay dating Senate President Juan Ponce Enrile na may petsang August 13, 2012.
Hindi rin dumaan sa kanyang palad ang nasabing pondo dahil dumeretso ito sa mga proyekto ng DPWH sa ilalim ng iba’t ibang local government units (LGUs) sa iba’t ibang probinsiya sa buong bansa.
Mga impraestrukturang may kaugnayan sa edukasyon at sports ang karamihan sa mga proyektong pinondohan ni Senator Trillanes sa mga lalawigan ng Samar, Iloilo, Zamboanga, Cagayan, Oriental Mindoro, Ilocos Norte, Camarines Sur, Sorsogon, La Union, Bukidnon, Albay, Ilocos Sur, Aklan, Tacurong City, Baguio, Bulacan, Montalban (Rodriguez, Rizal) at Quezon City.
May inalaan din siyang pondo para sa Veterans Hospital at sa AFP General Headquarters.
Ang mga proyekto ay may halagang mula P300,000 hanggang P5,000,000.
O ayan po, malinaw ang ulat ni Senator Trillanes. Kung gusto n’yo pang mabusisi ang kanyang ulat dumako kayo sa: https://www.facebook.com/sonnytrillanes.official
‘Yan po ang ibig sabihin ng transparency na ipina-practice ng magiting na SENADOR.
Hindi gaya ng ibang Senador na idineretso ang kanilang DAP/PDAF sa pekeng NGOs ni Janet Lim-Napoles!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com