Thursday , December 26 2024

Mga tagong-yaman ng mga taga B0C

MARAMI na rin taon na nag-iimbestiga ng mga tagong-yaman ng ilang mga taga-Bureau of Customs simula pa noon 2005 or before.

Isa sana sa mga instrument nito ang Lifestyle Check sa mga pinaghihinalaan. Andiyan pa rin ang Ombudsman na tagatanggap ng mga reklamo. Andiyan din ang National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Finance (DoF) sa pamamagitan ng Revenue Integrity Protection Service (RIPS).

Noon sanang pagpasok ni dating Commissioner Biazon, isinagawa na sana ang lifestyle check kasama na ‘yung nasa Ombudsman at RIPS. May internal probe pa rin para sa Bureau.

May ilang mga ‘dilis’ na napatalsik o nakasuhan sa Ombudsman pero karamihan ay failure to declared assets in SALN (Statement of Assets and Liabilities and networth). Ang tanong ano ang nangyari sa mga Barracuda na marami sa kanila buhay-hari o reyna? Mga nakatira sa mayamang villages, nagpapaaral ng mga anak sa exclusive schools o dili kaya sa abroad. Hindi na ba sila hahabulin ng batas?

May ilang nangurakot nang daan-daan mil-yon (marahil bilyon pa) noong panahon ni dating Commissioner Boy Morales. Isa sa kanila ang bigtime na security agency operator, nakatira sa Ayala, Alabang kasama na ang kanyang live-in na ipinagpatayo ng malaking bahay. Pakape-kape lang sa mga five star hotel. Hindi lang natin alam kung nasugapa rin sa sugal.

May isang woman collector diyan na saksakan ng kapal sa pangungurakot sa kanyang masabaw na puwesto. Ang balita, si kulasang woman collector, kahit mahirap ipintura ang muk-ha, pero super yaman naman sa kurakot. Ang tsismis ay naghahanap ng gusto ni-yang kelot kahit kasing-taba pa siya ng kabayong Mola. Ang sa kanya, super-taba ang kanyang bulsa at bank book. Ang ‘negosyo’ magbenta ng protection sa mga smuggler halimbawa ay plastics resins.

Tsk tsk tsk. Wala na silang tigil . Ang tulad niyang plunderer scot free. May isang division chief na babae diyan may mansion sa Ayala, Alabang.

Iisa lang ang ‘URI ng kanilang ‘NEGOSYO’ — ipagbili ang customs sa mga smuggler na perennial clients nila. As usual, lugi to death ang bureau sa pamamagitan ng taxes.

Itong bagong commissioner, si Sir John Sevilla na saksakan daw nang dami ng credentials tulad ng masters degree na kuha pa sa mga unibersidad sa USA, masyadang masakit magsalita sa mga personnel maging sa mga trader. Para raw ang tingin ni Sevilla sa kanila pulos sila kawatan. Walang diplomacy, tactless na akala mo ba ay siya na lang tanging santo sa customs.

Kaya naman ang hamon natin sa kanya — “Magpakitang gilas ka.” Paimbestigahan ang mga plunderer sa Bureau. Huwag panay dada at pag-iinsulto sa mga personnel at trader.

Arnold Atadero

About Arnold Atadero

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *