Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, magaling mang-akit ng lalaki

00 SHOWBIZ ms mNAPAKAHUSAY na aktres talaga ni Bea Alonzo. Hindi ito maitatatwa ng sinumang sumusubaybay sa kanyang Sana Bukas Pa ang Kahapon ng ABS-CBN2.

Kitang-kita ang pagka-versatile ni Bea sa teleseryeng ito lalo na roon sa kung paano niya inaakit si Paulo Avelino bilang si Emmanuelle. Kaya hindi kataka-takang kapit na kapit ang buong sambayanan lalo sa pang kapana-panabik na kuwento nito.

Inuumpisahan na kasi ni Rose ang paghihiganti kay Patrick (Paulo) kaya naroong tila nilalandi niya ang huli. Effective rin ang pagiging tagong kontrabida ni Maricar Reyes (Sasha) na ginagawa ang lahat, malampasan lang si Rose (Bea).

060614 Bea Alonzo
Sa painit na painit na kuwento ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, lalong naging maganda ang ratings nito ayon na rin sa datos ng Kantar Media na humataw sa national TV rating at nakakuha ito ng 20.4% kompara sa ratings ng katapat na programang ang Dalawang Mrs. Real ng GMA7 na mayroon lamang 12.6 percent.

Huwag bibitaw sa pagtutok sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon dahil lalong paiinitin ang iyong mga gabi sa patuloy na paghihiganti ni Rose laban kina Patrick at Sasha.

Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay mula sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television na ang kuwento ay ukol sa dalawang magkaibang babae na naghahangad makamit ang hustisya. Ito ay idinidirehe nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …