Friday , December 1 2023

3 parak-Maynila inireklamo ng hulidap (Kelot binugbog, ninakawan)

TATLONG pulis-Maynila ang inireklamo ng isang lalaki na kanilang sinita at pinagbintangang may dalang shabu habang sakay ng kanyang bisikleta sa Malate, Maynila.

Sa reklamo ng biktimang si Jayson Villaran, 34, ng No. 48 San Miguel, Maynila, habang sakay siya ng bisikleta sa N. Lopez St., Malate, nilapitan siya ng tatlong nagpakilalang mga pulis at pilit na pinalalabas ang sinasabing ilegal na droga na kanyang dala.

Nang itanggi ni Villaran ay bigla siyang hinampas ng posas sa ulo, kinuha ang P200 at cellphone na nasa bulsa.

Pagkatapos ay iniwan ang biktima kaya agad na nagharap ng reklamo sa MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS).

Isinalaysay ng biktima kay SPO1 James Poso, ang ginawa sa kanya ng tatlong nagpakilalang mga pulis na isa rito ay nakilala sa PO3 E.S. Abenoja, na nakita lamang sa name plate, isang SPO3 at isang naka-sibil-yan.

Ayon sa biktima, sina Abenoja at SPO3 ang gumulpi sa kanya kaya tadtad siya ng pasa at sugat sa mukha at katawan kaya dinala siya sa Philippine General Hospital (PGH).

Sinabi ng biktima na hinubaran pa siya ng sapatos at nawala ang damit bago iniwan ng tatlo.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at ipinakita ang police gallery para ma-kilala ang tatlong sina-sabing pulis-Maynila na inirereklamo ni Villaran.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Mr DIY Kramer 1

MR.DIY HOLI-DIY Event Shines Bright with Team Kramer at Ayala Malls Feliz
With Exciting Prizes & Meet and Greet with MR.DIY’s Celebrity Endorser

Host Nicolehyala (far left in photo) with Team Kramer Doug, Cheska, Kendra, Scarlett, and Gavin …

Bongbong Marcos Rodrigo Duterte

Partisano, Agila Party kinondena maugong na ‘destabilization plan’

NANAWAGAN ng isang armadong grupo, kinilala sa pangalang Partisano, sa mga manggagawa at mamamayan na …

112923 Hataw Frontpage

Para sa klarong refund sa customers dulot ng overcharging na WACC
RESET NG MERALCO RATE PINAMAMADALI SA ERC

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin ang pag-reset ng …

112923 Hataw Frontpage

Tinabla sa pamamalakaya
MANGINGISDA NAGBIGTI SA DEPRESYON

ni Rommel Sales WINAKASAN ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang 27-anyos mangingisda dahil …

SMFI Scholar 1

Education: A leverage for limitless aspirations
SM Foundation’s scholarship program empowers dreams of youth

In a world brimming with boundless possibilities, education serves as a powerful lever that propels …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *