Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino-sino ang ‘kontak’ ni Albert Corres sa Bureau of Immigration (BI)?

00 Bulabugin JSY
PATULOY raw na ipinagyayabang nitong si Albert Corres asawa ni Immigration Angeles ACO Janice Corres na matindi raw ang kanilang koneksyon sa immigration kaya sila ay nakakuha ng exemption sa Office Order SBM-2014-12.

Matapos lumabas ang naturang Office Order na wala nang processing ng Visa extension sa BI Angeles field office, ‘e wala pa raw isang linggo, nagawa nilang makapagpapirma ng exemption gamit ang kanilang koneksyon sa loob. Ipinagmamalaki pa niya na madali lang silang nakapagpapapirma dahil pera-pera lang naman ang pinag-uusapan!?

What the fact!?

Isang araw daw matapos lumabas ang nasabing office order ay nakapagpapirma na sila ng exemption gamit ang kanilang koneksyon sa BI Legal Division.

‘E sino naman kaya ang kanilang ginamit na koneksyon? Sino naman kaya ang tinutukoy nila na pera-pera lang?

Aware kaya si Immigration Comm. Fred Mison na kinakalantare raw nitong si Albert Corres ang pangalan ng Bureau para sa mga transaksyones nila ng kanyang asawa na buong akala ng lahat ay straight-to-the max?

Comm. Fred Mison, ngayon na na-expose ang mga kalokohan sa BI Angeles field office, bakit hindi n’yo kanselahin ang ibinigay na exemption sa Fontana Casino na pinagkakakitaan ng ilang tulisan diyan?

Ngayong nabukayo pa ang Exit Clearance Certificate manufacturing company at hindi pa nasisibak sa kanyang puwesto at nakakasuhan si BI Angeles ACO Janice Corres, Sir Fred, baka maniwala na ako na may basbas ang mga anomalya diyan?!

COMELEC COMMISSIONER GRACE PADACA NALAGLAG O INILAGLAG NG 3-M DIVISION?

HINDI na raw ini-appoint ni Pangulong Benigno Aquino III si Commissioner Grace Padaca nang mag-expire ang kanyang appointment sa Commission on Election (Comelec).

Ang sabi, dahil na-bypassed ng Kamara, na kasalukuyang naka-recess, hindi raw pwedeng ma-appoint muli.

Sa pagbubukas pa raw ng Kongreso muling mai-appoint ng Pangulo si Commissioner Padaca.

‘Yan ay kung gusto pa siyang i-appoint ng Pangulo.

‘Nahihiwagaan’ kasi tayo sa nangyari sa karera ni Madam Grace.

Noong una ay talagang hindi matinag-tinag ang suporta ni PNoy. Hindi ba’t ipinagbayad pa siya ng piyansa sa kasong malversation at graft cases.

Pero pagkatapos ma-bypassed mukhang tumahimik na ang Malacañang.

Hindi na natin makapa kung nariyan pa rin ang suporta ni PNoy kay Madam Grace.

O baka naman tuluyan nang inilaglag ng 3-M division si Madam Grace?!

Aabangan na lang natin ang pagbubukas ng 17th Kongreso mga suki …

D’yan natin malalaman kung ‘buhay’ pa ang suporta ni PNoy kay Madam Padaca.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …