Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Titser utas, Ina, 2 anak kritikal (Hinataw ng kawatan)

071214_FRONT
PATAY ang isang guro at sugatan ang kanyang ina’t dalawang anak matapos hatawin ng tubo ng kapitbahay na nanloob sa kanila sa Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang namatay na si Noreen Albao, grade 3 teacher habang sugatan ang kanyang inang si Amparo Navo, 70 at dalawang anak.

Agad nadakip ang suspek na si Luis Relatibe, kapitbahay ng mga biktima.

Ayon sa pulisya, bandang 5:00 a.m. nang maganap ang insidente matapos puwersahang pumasok ang suspek sa bahay ng mga biktima na mahimbing na natutulog.

Nalaman ng mga kapitbahay na may masamang nangyayari nang marinig ang sigaw ng siyam-taon gulang na anak ng biktima kaya tumawag na ng pulis.

Nang siyasatin ang mga biktima, may mga sugat sila sa ulo dahil sa palo ng tubo.

Nawawala rin ang LED TV at cellphone ng mga biktima.

ni JETH SINOCRUZ

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …