TODAS sa ambush ang live-in partners sa hinihnalang onsehan sa droga sa Rodriguez, Rizal kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat na ipinarating kay Supt. Samuel Delorino, chief of police ng Rodriguez PNP, kinilala ang mga napatay na sina Marieta Boragua, 43 at live-in partner na si Armando Caimo, 35, kapwa ng Lot-22, Southville-B, Rodriguez.
Naglalakad pauwi ng bahay ang mga biktima, nang tambangan ng ‘di kilalang suspek sa Southville-B.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nalaman na ang mga biktima ay may kinakaharap na kasong estafa sa korte at sangkot din umano sa pagbebenta ng ilegal na droga na pinaniniwalaang ugat ng pagpatay sa kanila.
(ED MORENO)