SAPOL sa ulo ang isang pulis matapos suntukin ng isang lasing na lalaki sa Maynila kamakalawa.
Kinilala ang suspek na si Alex Cruz, nasa hustong edad at nakatira sa 613 Esguerra St., Tondo, Maynila.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Rowel Candelario, aktong padaan ang pulis na si P02 Ranillo Flores sakay ng kanyang motorsiklo sa Francisco St., sa Tondo nang bigla siyang sinapak ni Cruz na napag-alamang lango sa alak.
Nahilo ang biktimang si Flores sabay semplang saka bumangga sa nakaparadang kotse.
Haharap ang suspek sa kasong direct assault in person of authority.
(JOHN BRYAN ULANDAY)