Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maya at Ser Chief, handa na para sa Be Careful concert sa July 25 (Libreng tickets para sa “I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart’ Anniversary Thanksgiving,” Ipamamahagi sa Hulyo 21 at 23…)

00 SHOWBIZ ms mMAKIKANTA, makisayaw, at maki-party kasama sina Maya (Jodi Sta. Maria), Ser Chief (Richard Yap) at ang buong cast ng Be Careful With My Heart sa libreng concert na pinamagatang I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart’ Anniversary Thanksgiving. Ang espesyal na pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo sa daytime TV ng number one “feel-good habit” ng bayan ay gaganapin sa Hulyo 25 (Biyernes), 8:00 p.m, sa Araneta Coliseum.

Magpapasaya rin ng mga Kapamilya sa thanksgiving concert sina Erik Santos, Juris, at Richard Poon.

Para makakuha ng libreng tickets para sa anniversary thanksgiving concert, maaaring pumila ang Kapamilya viewers sa ABS-CBN Center Road sa Hulyo 21 at 23. Mamamahagi ng tickets mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m..

070814 jodi richard

Samantala, patuloy na ma-inspire sa number one feel-good habit ng bayan, Be Careful With My Heart, araw-araw, bago mag-It’s Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter, at i-”like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …