Tuesday , November 5 2024

May ‘multo’ sa city hall ni Malabon Mayor Lenlen Oreta

00 Bulabugin JSY

IBANG klase rin pala sa Malabon City hall na ang Alkalde ay si Mayor Lenlen Oreta.

Mantakin ninyong mayroon rin palang ‘MULTONG EMPLEYADO’ sa teritoryo n’ya?!

Gaya lang d’yan sa Oplan Disiplina Security Services na ang hepe ay isang MELECIO ASIDAO, na may isang tauhan na isang PHILIP ALCANTARA alyas Bayaw (bayaw na naman!?) ang matagal nang naka-payroll pero kahit kailan ‘e hindi nakikitang nagtatrabaho bilang watchman.

Dinaig pa ni Alcantara ang mga pensiyonado ni Obama!

Sonabagan!!!

Hindi pa ‘yan, alam kaya ni Mayor Lenlen Oreta na sandamakmak ang Kamaganak, Inc., na pinasasahod niya sa City Hall!?

Paki-check na lang ang mga apelyidong Alcantara, Alibo, Alip at Alonzo.

Tsk tsk tsk …

Mayor Lenlen Oreta, hindi ka pa ba nila minumulto?!

SILANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL PRINCIPAL ALFREDO LOPEZ NA MAHILIG MAGMURA, TERROR NG TEACHERS AT MGA ESTUDYANTE (ATTN: DEPED SEC. ARMIN LUISTRO)

HINDI pala dapat sa edukasyon ang naging propesyon ni Silangan National High School (San Mateo, Rizal) principal Alfredo Lopez — mas bagay pala sa kanya ang maging BOUNCER o kaya ay WARDEN sa Bilibid.

Kakaiba kasi ang katapangan at kabulastugan sa katawan nitong si Lopez.

Mantakin ninyong kayang-kaya niyang mag-umpog ng mga estudyanteng menor de edad , manigaw at murahin ang mga babaeng teacher at pagtrabahuin na parang piyon o mason ang mga kalalakihang teacher sa pagtatayo ng bakod ng kanilang paaralan?!

‘Yung huling aksyon, medyo nakatutuwa ‘yan. Mantakin ninyong mahikayat niya ang kanyang mga gurong lalaki na magtayo ng bakod ng paaralan?!

‘Yan ay kung in good faith … walang halong pamimilit, pananakot o panloloko.

Inutusan niya ang mga lalaking guro na itayo ang bakod at papalitan daw niya ng service credits para kapag may emergency cases ang mga teacher ay magamit nila.

Bantulot man ay pumayag na rin ang mga lalaking teacher kasi nga meron service credit.

Heto na, nang humihingi na ng sertipikasyon para sa kanilang service credit ‘yung mga guro, aba ‘e bweltahan ba naman nag ganito: “Bakit hindi ba kayo makapagtrabaho nang walang suhol?”

At ang kahindik-hindik … nag-withdraw si Lopez ng P17,000 sa pera ng kantina para umano sa kanyang fencing project, pagkatapos ay ini-reimburse sa General Parents & Teachers Association (GPTA) at sa Municipal Hall ng San Mateo, Rizal.

Magulang si Lopez?!

Hindi lang ‘yan ang reklamo kay Lopez, marami pang iba at binaha na yata ang Department of Education (DepEd) ng iba’t ibang uri ng reklamo mula sa mga estudyante, mga magulang at mga guro …

Pero ang ipinagtataka natin, bakit nanatili pa rin siya at hindi magalaw-galaw na principal d’yan sa Silangan National High School?!

Alam kaya ni DepEd Regional Director, Dr. Diosdado San Antonio na siya ang ipinambabala ni Lopez sa lahat ng kanyang katarantaduhan?!

DepEd Regional Director San Antonio, paki-EXPLAIN nga po!

ATTY. GIGI REYES AT SEN. JUAN PONCE ENRILE, LAGI TALAGANG NASA HULI ANG PAGSISISI

MULA sa Sandiganbayan basement ay nagre-request si Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile na sa PNP Custodial Center na lang daw siya ikulong.

Si Enrile naman na noong una’y nagsabing okey lang kahit saan siya ikulong, ngayon naman ay nagre-request na rin ng hospital arrest.

‘E ‘yan na nga ba ang sinasabi natin …

Ang tatapang ninyo dati … at ang takaw sa ‘hatagan’ … ngayon natututo na kayong makiusap.

General Sindak ‘este’ Sindac, Wala pa bang VIP treatment ‘yan? Na kasama ni JPE ang kanyang bodyguard at private nurse sa ospital?!

Baka meron pang yaya…hehehe …

Si Epal ‘este’ Erap, dumalaw kay Madame Gigi at paglabas ay nag-emote na inhumane treatment daw ang kulungan ng amiga n’ya.

‘E noong happy-happy sila noon kasama ba nila ang mga masang naghihirap na hindi nakinabang sa Pork Barrel!?

Politika man o hindi ang dahilan ng pagka-kaganyan ninyo ngayon, ang masasabi lang natin kung walang ebidensiya ‘e di dapat hindi kayo na-SWAK d’yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *