Tuesday , November 5 2024

Tony Santos, hari ng jueteng at lotteng

TUWING napapabalita sa media ang tungkol sa mga ilegal na pasugalan sa Metro Manila, karaniwang mababasa ang pagiging talamak ng tinatawag na lotteng, ang kombinasyon ng lotto at jueteng.

Maraming nag-aakala na ‘pinatay’ na ng lotteng ang jueteng sa Metro Manila. Pero hindi pa pala.

Ayon sa mga espiya, namamayagpag pa rin ang pa-jueteng sa Quezon City na pag-aari ng isang nagngangalang Tony Santos, tinaguriang alamat na sa ganitong ilegal na negosyo.

Ayon pa sa mga espiya, malakas ang koleksiyon ng taya ng jueteng sa Nepa-Q Mart sa EDSA, QC. Ito raw ay pinamamahalaan ng kung tawagin ay “Tepang,” isang retiradong pulis na may-ari rin ng ilang beerhouse sa nasabing distrito ng siyudad.

Dapat sigurong usisain ni Chief Superintendent Richard Albano, Quezon City Police District (QCPD) director, kung ano ang ginagawa ng mga tauhan niya sa police station na nakasasakop dito upang ipahinto ang mga operasyon nina Tony Santos at Tepang.

Bukod dito, General, talamak na rin ang lotteng operation ng may alyas na “Lito Motor” o “LM” sa teritoryong nasasakupan ng QCPD Stations 8 at 11. Ang mga “kabo” (bisor ng mga kolektor) ni LM na sina “Jun Mata,” na nangangalap ng taya sa 20th Avenue, “Jun Bulag” sa Murphy area, at “Gregson” sa Banawe area ay walang takot na mahuli ng mga pulis.

Bakit kaya?

Sir Banong, d’yan din po sa inyong hurisdiksiyon ay nariyan sina Tata Ver at Don Ramon. Kapwa sila nag-o-operate ng horse-race bookie joints, pero naglo-lotteng pa si Don Ramon, na pinamamahalaan ng isang Jun Moriones.

***

Sa Mandaluyong City naman, si “Kapitan Dodo” na opisyal ng barangay, ang nagpapatakbo ng lotteng operation sa lungsod, partikular sa Pinatubo Street.

Senior Supt. Tyrone Masigon, city police chief, may pag-asa po ba’ng maging illegal gambling-free and Mandaluyong? O baka naman po free-for-all na ang gambling diyan?

***

Sa Lungsod ng Maynila, isa pang alamat sa negosyong pasugalan na kilala sa tawag na “Boy Abang” ang patuloy pa rin sa kanyang mga negosyong horse-race bookies at lotteng sa Tondo. Ang negosyo niya ay pinangangasiwaan ng isang Lorna, na umano’y inaanak niya sa kasal. Samantala, tinitiyak naman ng kanyang bagman, isang Philip, ang plantsado nilang koneksiyon sa mga pulis.

Bukod kay Abang. operators din ng horse-race bookie sina Obet Ignacio, alyas “Billy,” sina “Edna” at “Enteng,” Pasia at Paknoy, isang sarhento sa NCRPO.

Ayon sa balita, nagkukumpulan ang mga puwesto nila sa eskinita ng Vargas, bukod pa sa ibang puwesto sa Kamaynilaan.

Protektado ni Sgt. Paknoy ang mga kapwa niya bookies na nag-o-operate sa ilalim ng kanyang pangalan basta wala silang palya sa pagbibigay ng padulas sa mga corrupt na awtoridad.

Ang mga operator na ito ay sina Jeff at Anna sa Sampaloc area, Perry sa Pandacan, Rowena sa 5th District ng Maynila, at Deborah, na nangangasiwa sa negosyo ng beteranong gambling operator na si Apeng Sy sa Binondo, at sa iba pang lugar sa ikatlong distrito ng lungsod.

Isa namang babae na kilala sa pangalang Nancy ang namamahala sa lotteng operation sa lungsod.

Ilang buwan na rin nakapuwesto si Senior Supt. Rolando Asuncion bilang director ng Manila Police District (MPD). Hindi po ba natin kayang mapatigil ang mga nasabing ilegalistang?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

Tony Santos,

hari ng jueteng

at lotteng

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Bianca Umali Ruru Madrid

Bianca pinabulaanan pagli-live-in nila ni Ruru

MATABILni John Fontanilla MARIING itinanggi ni Bianca Umali ang bali-balitang nagli-live in na sila ng kanyang boyfriend …

GMA 7

Eskandalo sa ilang GMA artists sunod-sunod 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PINAG-UUSAPAN sa ilang seryosong blogs ang umano’y pagiging mas relevant daw …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *