NAKATANGGAP po tayo ng sanrekwang reklamo mula sa Baclaran Transport Group ng Parañaque City.
Ito ay tungkol sa liham nila kay Mayor Edwin Olivarez noong Mayo 29 (2014) at nitong Hunyo 11 (2014) na inirereklamo si Parañaque Traffic Management Office (PTMO) chief, TEODORICO BANDIDO ‘este’ BARANDINO.
Ilan sa mga reklamo ng transport group laban kay Barandino ang talamak na panghuhuli nang walang rason, paniniket, pangongotong at pagpapaareglo ng hanggang P10,000.
Tuwiran man o hindi-tuwiran ang pagkakasangkot ni Barandino sa pang-aabusong ginagawa ng kanyang mga tauhan gaya ng walang habas na panghuhuli, pangongotong at paghingi ng P10,000 areglo, nasa kanyang responsibilidad para matigil ang ganitong gawain.
Huwag sanang kalimutan ni Barandino na ang sistema ng transportasyon ay isa sa mga indikasyon kung ano ang estado ng isang siyudad o lalawigan.
Kung patuloy na ang PTMO chief ay hindi nakatutulong sa pagsasa-ayos ng sistema ng transportasyon sa isang siyudad at sa halip ay nagsisilbing kalawang sa administrasyon dahil sa pagiging ‘scalawag’ dapat pa ba siyang imantina Parañaque Mayor Edwin Olivarez?
Mayor Edwin, sana’y huwag ninyong kalilimutan, kahit anong tigas ng bakal, kayang-kaya itong wasakin ng kalawang.
At alalahanin n’yo rin, ang kalawang ay ipinoprodyus din ng bakal.
It’s a cycle … so, you better to break it hanggang maaga pa, Mayor Edwin Olivarez or else, isang umaga ay magigising ka na lang na ikaw ay isa na rin KALAWANG!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com